Home Based

Kapag home based talaga ang trabaho mo, talagang nga-nga ka, walang katapusang kain, kaya ito ako ngayon, lumolobo. Hindi kasi ako tumataba kapag nag-ta-travel ako kaya gusto ko na talaga ng full time work. At dahil hindi nauubos ang pagkain dito sa bahay, nakakainis, hindi ko mapigilan.

Kagabi, habang nanonood ako ng Insidious chapter 2 sa HBO, hindi ko mapigilang hindi kumain, kaya kumuha ako ng Pancit Canton at nagluto ako, sadly may kahati ako. Hahaha, pero feel na feel ko pa naman kaya lang no comment na lang. At ngayon, mabuti na lang at walang pagkain, hindi tuloy ako lumalamon, siguro sinadya na wag mag iwan ng pagkain para di ko ubusin, hahaha, ako kasi ang umuubos ng lahat.

Kaya kung sino man ang makakabasa nito, bigyan niyo ko ng disenteng trabaho. Hahahaha. Magiging obese ako nito ng wala sa oras, paano na ang pinapangarap kong duet kay Carrie Underwood o maging leading man ni Kim Chiu.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN