Start of Something New

Simula ngayon, dito na ako magpopost ng aking kalokohan. Oooops, hindi kalokohan kundi diary, wala naman akong kalokohan sa buhay kundi si Jesus lang e. Matapos kong pakinggan araw-araw ang kanta ni Carrie Underwood na Something in the water, at sa paghahanap ko ng career, dito ko nalang ilalagay. Lahat ng epic fail, sama ng loob, kritiko sa TV, mga side comments, chismis sa kapitbahay, at kung ano-ano pang mapapanood ko sa The Buzz, basta.

Sa ngayon, dahil malapit na ang the voice, baka puro tungkol sa the voice ang ma-feature sa blog kong ito. pero siyempre, hinding-hindi mawawala ang Alaska Aces at ang PBA. Basta, lahat-lahat pwera lang siguro sa isolated blogs ko like movie review, about music at ang pagiging makata ko, dito lahat lang ng kung ano ang maisip ko, siguro dahil sa hindi ako makapag-post ng maayos sa tumblr ko which is doon ko to ginagawa.

Basta, lahat ng masasagap kong tsismis, at kung ano-anong ideya na trip kong iblog dito gagawin ko, but of course, conservative ako, pero I'll make sure na most of you will enjoy this. Hahaha. Hindi naman ako magpapapansin, basta gusto ko lang i-express ang napi-feel ko sa isang bagay. 

Sana mag-enjoy kayo rito. Maraming salamat

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN