Posts

Showing posts from October, 2014

Home Based

Kapag home based talaga ang trabaho mo, talagang nga-nga ka, walang katapusang kain, kaya ito ako ngayon, lumolobo. Hindi kasi ako tumataba kapag nag-ta-travel ako kaya gusto ko na talaga ng full time work. At dahil hindi nauubos ang pagkain dito sa bahay, nakakainis, hindi ko mapigilan. Kagabi, habang nanonood ako ng Insidious chapter 2 sa HBO, hindi ko mapigilang hindi kumain, kaya kumuha ako ng Pancit Canton at nagluto ako, sadly may kahati ako. Hahaha, pero feel na feel ko pa naman kaya lang no comment na lang. At ngayon, mabuti na lang at walang pagkain, hindi tuloy ako lumalamon, siguro sinadya na wag mag iwan ng pagkain para di ko ubusin, hahaha, ako kasi ang umuubos ng lahat. Kaya kung sino man ang makakabasa nito, bigyan niyo ko ng disenteng trabaho. Hahahaha. Magiging obese ako nito ng wala sa oras, paano na ang pinapangarap kong duet kay Carrie Underwood o maging leading man ni Kim Chiu.

Start of Something New

Simula ngayon, dito na ako magpopost ng aking kalokohan. Oooops, hindi kalokohan kundi diary, wala naman akong kalokohan sa buhay kundi si Jesus lang e. Matapos kong pakinggan araw-araw ang kanta ni Carrie Underwood na Something in the water, at sa paghahanap ko ng career, dito ko nalang ilalagay. Lahat ng epic fail, sama ng loob, kritiko sa TV, mga side comments, chismis sa kapitbahay, at kung ano-ano pang mapapanood ko sa The Buzz, basta. Sa ngayon, dahil malapit na ang the voice, baka puro tungkol sa the voice ang ma-feature sa blog kong ito. pero siyempre, hinding-hindi mawawala ang Alaska Aces at ang PBA. Basta, lahat-lahat pwera lang siguro sa isolated blogs ko like movie review, about music at ang pagiging makata ko, dito lahat lang ng kung ano ang maisip ko, siguro dahil sa hindi ako makapag-post ng maayos sa tumblr ko which is doon ko to ginagawa. Basta, lahat ng masasagap kong tsismis, at kung ano-anong ideya na trip kong iblog dito gagawin ko, but of course, conserv