Posts

Showing posts from August, 2019

OKAY NA OKAY KA SA UKAY - UKAY

Jericho Paul De Guzman OKAY NA OKAY KA SA UKAY - UKAY                 Sikat na sikat ang ukay – ukay sa ating bansa, bakit ba naman hindi, bukod sa mura na, branded pa! Halina’t alamin ang mga paraan upang makapagnegosyo ng mga damit na patok na patok sa mga Pilipino.                 Galing ibang bansa ang mga items na itinitinda rito, may mga bag, jacket, short, at sari – saring pang itaas.                 Bakit nga ba humaling na humaling ang mga Pilipino sa mga ukay ukay na damit o yung mga surplus kung tawagin na karaniwang galing sa mga mayayamang bansa tulad ng Amerika, United Kingdom, Japan, Singapore at marami pang iba.                 Naibebenta kasi ito sa napakababang halaga, kapag new arrival ang mga damit nasa 100-300 pesos ito depende sa klase at brand ng damit, pero habang tumatagal, bumababa ang mga presyo na ito na umaabot lamang ng limang piso.                 Saan madalas matatagpuan ang mga nagbebenta nito na puwedeng paghanguan? Maraming nagtitinda ni

GINATAANG TILAPIA WITH VEGIES

Jericho Paul De Guzman GINATAANG TILAPIA WITH VEGIES                 Ang gata ay galing sa katas ng niyog na siyang ginagawang pampalasa lalo na sa mga Bicolano food and recipe, ito rin ang pangunahing sangkap ng Bicol express at napakarami pang putahi.                 Asim, tamis at alat, iyan naman ang malalasahan natin ngayon kapag tayo’y nakapagluto na ng ginataang ulam at siyempre, bonus sa ating panglasa ang anhang.                 Sa ngayon, hindi lang sa karne at sa gulay ang kakang gata ng niyog, ginagawa na rin ito sa isa sa mga paboritong isda ng mga Pilipino, ang tilapia na sasamahan pa ng iba’t ibang klase ng gulay.                 Kakaiba kasi ang aroma na ibinibigay ng gata sa tuwing itong iniluluto, sa amoy pa lang nito, tyak na matatakam na ang lahat.                 Para magluto ng Ginataang Tilapia with Vegies, kinakalangan lamang ng kulang-kulang trenta minuto upang ito’y maihanda sa buong pamilya na may anim na miyembro. MGA SANGKAP Tatlong Malala