GINATAANG TILAPIA WITH VEGIES
Jericho Paul De Guzman
GINATAANG TILAPIA
WITH VEGIES
Ang
gata ay galing sa katas ng niyog na siyang ginagawang pampalasa lalo na sa mga
Bicolano food and recipe, ito rin ang pangunahing sangkap ng Bicol express at
napakarami pang putahi.
Asim,
tamis at alat, iyan naman ang malalasahan natin ngayon kapag tayo’y nakapagluto
na ng ginataang ulam at siyempre, bonus sa ating panglasa ang anhang.
Sa
ngayon, hindi lang sa karne at sa gulay ang kakang gata ng niyog, ginagawa na
rin ito sa isa sa mga paboritong isda ng mga Pilipino, ang tilapia na sasamahan
pa ng iba’t ibang klase ng gulay.
Kakaiba
kasi ang aroma na ibinibigay ng gata sa tuwing itong iniluluto, sa amoy pa lang
nito, tyak na matatakam na ang lahat.
Para
magluto ng Ginataang Tilapia with Vegies, kinakalangan lamang ng kulang-kulang
trenta minuto upang ito’y maihanda sa buong pamilya na may anim na miyembro.
MGA SANGKAP
Tatlong Malalaki at Fresh na Tilapia
Dalawang Niyog (Kakang Gata o isang piga)
Luya
Sibuyas
Bawang
Dalawang piraso piraso ng talong (Hiwain ng maliliit)
Isang tali ng Pechay
Isang Piraso ng ampalaya
Suka
Asin at Paminta
Asukal
Siling Berde
Isang cup ng tubig
Mantika
PARAAN NG PAGLUTO
Igisa ang bawang, sibuyas at luya sa kawali, after
igisa, isama na ang hinugasang tilapia at ilagay ang kakang gata.
Pagkalagay ng gata, pakuluan ito hanggang sa matuyo
at lagyan ng isang basong tubig at isabay na rin ang pechay, talong, ampalaya
at sili at saka ito timplahan ng suka.
H’wag hahaluin hanggang hindi naluluto ang suka upang
hindi masira ang fermentation. Lagyan na rin ng Asin at Paminta at isang
kutsara ng asukal.
Luto na ang napakasarap na Ginataang Tilapia with
Vegies kaya naman subukan itong lutuin at tikman ng buong pamilya.
Comments
Post a Comment