OKAY NA OKAY KA SA UKAY - UKAY


Jericho Paul De Guzman
OKAY NA OKAY KA SA UKAY - UKAY
                Sikat na sikat ang ukay – ukay sa ating bansa, bakit ba naman hindi, bukod sa mura na, branded pa! Halina’t alamin ang mga paraan upang makapagnegosyo ng mga damit na patok na patok sa mga Pilipino.
                Galing ibang bansa ang mga items na itinitinda rito, may mga bag, jacket, short, at sari – saring pang itaas.
                Bakit nga ba humaling na humaling ang mga Pilipino sa mga ukay ukay na damit o yung mga surplus kung tawagin na karaniwang galing sa mga mayayamang bansa tulad ng Amerika, United Kingdom, Japan, Singapore at marami pang iba.
                Naibebenta kasi ito sa napakababang halaga, kapag new arrival ang mga damit nasa 100-300 pesos ito depende sa klase at brand ng damit, pero habang tumatagal, bumababa ang mga presyo na ito na umaabot lamang ng limang piso.
                Saan madalas matatagpuan ang mga nagbebenta nito na puwedeng paghanguan? Maraming nagtitinda nito sa mga palengke, lalo na sa Bambang sa Maynila, ang bagsakan ng mga bagong dating na mga kagamitan.
                Subalit kung mayroon ka namang kamag-anak sa ibang bansa, puwede niyong pagnegosyohan ang pag uukay-ukay, siguraduhin lamang na legal at may papeles upang makalusot ng tama sa bureau of customs.
                O, ano pa ang hinihintay? Tara na’t mamili ng iba’t ibang kagamitan sa napakamurang halaga, ang iba, branded pa.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN