MGA PATOK NA MERYENDA NGAYONG TAG-ULAN
Nakakagutom ang panahon tuwing sasapit ang tag-ulan, feel na fel ang patak ng ulan sa bubungan, may malamig na hangin na papasok sa iyong bintana, bagay na bagay sa kumukulong tiyan at gutom na gutom na lalamunan. Kaya naman napakasarap kumain ng mga pagkaing talaga namang bagay na bagay sa iyong pagsesenti, tulad na lamang ng Goto Baka, madali lamang itong lutuin at kahit mag-isa ka ay kayang-kaya. Para sa Goto Baka, kakailanganin lamang ng bigay (kahit hindi malagkit) laman ng baka, sibuyas, luya, bawang, at kung nais ay maaari ring dagdagan ng nilagang itlog at tokwa. Ilaga lamang ang bigas, apat na beses na mas maraming tubig kumpara sa kasing daming tubig tuwing magsasaing, isama na rin ang ibang sangkap tulad ng Baka, sibyas, luya at bawang. Pakuluan ito ng mabuti hanggang sa lumapot ang bigas at ang pinaka-sabaw nito at para lumambot na rin ng husto ang Baka, at para lalong maging masarap ang Goto Baka, lagyan ito