MGA PATOK NA MERYENDA NGAYONG TAG-ULAN

 Nakakagutom ang panahon tuwing sasapit ang tag-ulan, feel na fel ang patak ng ulan sa bubungan, may malamig na hangin na papasok sa iyong bintana, bagay na bagay sa kumukulong tiyan at gutom na gutom na lalamunan.

              Kaya naman napakasarap kumain ng mga pagkaing talaga namang bagay na bagay sa iyong pagsesenti, tulad na lamang ng Goto Baka, madali lamang itong lutuin at kahit mag-isa ka ay kayang-kaya.

              Para sa Goto Baka, kakailanganin lamang ng bigay (kahit hindi malagkit) laman ng baka, sibuyas, luya, bawang, at kung nais ay maaari ring dagdagan ng nilagang itlog at tokwa.


              Ilaga lamang ang bigas, apat na beses na mas maraming tubig kumpara sa kasing daming tubig tuwing magsasaing, isama na rin ang ibang sangkap tulad ng Baka, sibyas, luya at bawang.

              Pakuluan ito ng mabuti hanggang sa lumapot ang bigas at ang pinaka-sabaw nito at para lumambot na rin ng husto ang Baka, at para lalong maging masarap ang Goto Baka, lagyan ito ng toppings tulad ng fried garlic, kalamansi, at spring onions.

              Para sa especial na side dish naman, puwede ang nilagang itlog, tokwa’t baboy at lumpiang toge.

              Speaking of lumpiang toge, masarap din itong pang-meryenda, isawsaw lamang sa napaka-asim na suka, aba, talagang puwedeng puwede na.

              Para sa lumpiang Toge, kailangan lang ng mga sumusunod; Toge, carrots, singkamas, at kamote, kailangan din ng lumpia wrapper, sibuyas, hibi (maliliit na hipon) at harina upang ipangbalot sa lumpia wrapper.

              Hiwain lamang ang carrots, singkamas at kamote at igisa ito sa sibuyas kasama ng toge at hibi, timplahan ito ng asin at paminta at maaari na itong patuluin upang matanggal ang natitirang tubig.

              Ibalot ito sa lumpia wrapper gamit ang harina na tinunaw sa tubig, maaari ring gumamit ng binating itlog upang ito’y dumikit, i-deep-fry ito hanggang sa maluto at lumutong.

              Magtimpla nang masarap na suka, lagyan ng bawang at sibuyas, asin, paminta at asukal, ay napakasarap nito.

              Marami ring maaaring ibalot sa lumpia wrapper, kung maraming natirang lumpiang wrapper, maaari itong gamitin sa Turon na napaka-yummy.

              Para naman sa napakasarap na turon, kailangan lamang ng hinog na saging na saba, asukal, natirang lumpia wrapper.

              Ibalot lamang sa lumpia wrapper ang saging na saba, lagyan ito ng asukal at maaari mo ng iprito sa mainit na mantika, napaka-dali lamang ng paraan na ito at tiyak na ika’y mabubusog.

              Kung wala namang time na magluto, maghanap na lamang ng street foods at talagang maliligayahan ka.

              Nariyan ang kwek-kwek, tokneneng, squid balls, kikiam, chicken balls, at napakarami pang iba.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN