TIPS SA MASURING PAGPILI NG MGA MATERYALES

 

Sa pagpapagawa ng bahay ngayon, dapat lahat tayo ay praktikal, wais at disiplinado sa pag-gastos at pagpili ng mga materyales na gagamitin dito.

              Dahil sa panahon ngayon na nagkalat ng mga mang-loloko, siguraduhing safe at maganda ang kakalabasan ng proyektong pagpapagawa ng bahay lalung-lalo na sa mga materyales na ito.

              Ang pinaka-unang tip ay ang pag-canvass ng mga pangunahing materyales tulad ng fly woods, blocks, graba, pako at buhangin, kasama na rin ang pintura at ang mga pangunahing kagamitan tulad ng martilyo, plies, pala at iba pa.

              Ikalawa, kung nakapag-canvass na, siguruhing i-check at busisiing mabuti ang bawat parte ng mga materyales, tandaan na importante ang kalidad ng mga materyales na ito dahil magiging pangunahing pundasyon ito ng iyong bahay o ng ano ‘mang istruktura na itatayo.

              Naka-base rin ang safety ng ating mga buhay ang pundasyon ng bahay, kaya napakahalagang matibay ang materyales at mataas ang kalidad nito.

              Ikatlo, kung masyadong mura ang materyales na iyong bibilhin, magdalawang isip ka muna dahil malamang sa malamang ay substandard ito, mahinang klase kumbaga, bumili ng naaayon sa presyo at kung masyado namang mahal ang presyo, baka hindi naman mag-swak ang iyong budget.

              Sabi nga ng nakakarami, sa hirap ng buhay ngayon, maging praktikal, subalit huwag na huwag ipagsasantabi ang kalidad na maaaring magdulot ng kapahamakan sa sariling kaligtasan at sa buong pamilya.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN