SANHI AT SOLUSYON SA MATINDING UBO
Maraming dahilan kung bakit tinatamaan ng matinding ubo at sipon ang isang tao, marahil dahil ito sa klima ng ating bansa, subalit kung tayo ay mag-iingat at magkakaroon ng tamang lifestyle, ay maiiwasan ito. Kaya naman narito ang mga sanhi at solusyon ng ubo (cough), mapabata ‘man o matanda, ay hindi ligtas sa simple ngunit lubhang mapanganib na sakit na ito. Una, mahinang resistensya at madaling tamaan ng virus. Kung ikaw ay walang sapat na bitamina sa iyong katawan, mabilis kang mahahawa sa viral na sakit na ito. Upang maiwasan, ugaliin ang pagkain ng gulay at prutas na mataas sa bitamina C. Sunod, ay kung ikaw laging bilad sa araw, mabilis matuyo ang iyong lalamunan na maaaring sanhi ng pagbuo ng plema sa iyong baga. Ugaliing uminom ng walo hanggang sa labindalawang basong tubig upang ito’y maiwasan. Dahil sa panahon ngayon ay usong-uso na naman ang sakit na ito. Ikatlo, ang sakit na ito ay nakakahawa, upang hindi mahawa at makahawa, ugaliing takpan ang bibig at ilong kung