WATCH REPAIR SHOPS

 

Saan mang sulok ng mundo, napaka-halaga ng oras, sa ikli ng buhay, walang ni-isang segundo ang dapat nasasayang, sabi nga nila, YOLO o “You Only Live Once”.

Totoong isang beses lamang tayo nabubuhay kaya dapat nating damahin at yakapin ang kada oras na ibinibigay sa atin ng Maykapal. Ika’ nga ng isang sikat na motto, “Time is Gold” at kung minsan ay diamond pa nga.

At upang mapangalagaan ang bawat oras ng ating buhay, o di kaya naman mapahalagahan ang bawat segundo ng ating pagtapak sa mundong ibabaw, kinakailangan nating malaman ang oras ng mga pagkakataon sa pamamagitan ng mga relo.

Ang relo ay bagay ang ginagamit natin upang malaman ang oras, kaya naman kung wala nito, napakahirap hulaan ang eksaktong oras at panahon na ating kinalalagyan ngayon. Kaya naman napakaraming tindahan ng mga relo, sa kalsada, sa palengke, sa mall at sa online shops, marahil alam ng mga tao ang importansya ng mga ito lalo na sa pang araw-araw nating pamumuhay.

Nasa labas ka, kailangan mo nito upang malaman kung ano ang takdang oras ng pag-uwi, pagkain, pagtulog, pag-gising, pagpasok sa opisina, pakikisalamuha at halos bawat galaw natin ay kinakailangan nating orasan at mas madali nating magagawa ito sa pamamagitan ng pagtingin o paggamit ng relo.

May mura, mayroon din namang mahal, depende sa istilo na iyong napupusuan, mayroon din madaling masira at mayroon din namang napakatibay. Subalit hindi maiiwasan na mayroong bagay na mayroong value or mahalagang bagay ng iyong buhay (tinatawag ito na sentimental value) na kung minsan ay nanggaling sa isa sa mga pinaka-importanteng tao sa iyong buhay, o di kaya naman, ito ang kauna-unahang bagay na iyong nabili.

Kung ang relo na iyon ay mayroong value sayo at ito ay nasira, isa lamang ang paroroonan niyan, ang mga watch repair shops na madalas matatagpuan lamang sa mga kanto ng ating barangay. Ang mga watch repair shops ay ang mga shop na gumagawa at nag-aayos o nagkukumpuni ng nasira mong relo (wrist watch), nagpapalit ng baterya, nagbabawas ng sukat, pinapalitan ng disenyo at marami pang-iba.

Mayroon ding matatagpuan na watch repair shops sa mga mall subalit mas mahal maningil ang mga ito kumpara sa mga nasa palengke at sa mga bara-barangay. At malaki ang agwat ng presyo ng mga baterya nito kumpara sa mga watch repair shops na nasa tabi-tabi lamang, makakabili kasi sa halagang 60 pesos lamang at libre na ang paglagay nito sa naturang relo.

Subalit sa panahon ngayon, kumakaunti na ang mga “Watch Repair Shops” na makikita natin sa lansangan at sa mga pamilihan, gayundin sa mga mall, naging digital na kasi ang panahon ngayon, kahit ang ilang kabataan ay hindi na marunong magbasa ng analog clock o ang relo o orasan na binabasa ng 5-10-15-20 sa mga numerong isa hanggang labing dalawa.


Mas pinipili na rin ng karamihan na tumingin sa mga cellular phones, tablets, Bluetooth watch at iba pa, subalit marami pa rin naman ang mga tumatangkilik sa mga analog wrist watch, at sa pagtangkilik natin sa mga ito, patuloy rin sana ang pagtangkilik sa mga taong patuloy na ibinabahagi ang kanilang kaalaman sa paggawa at pag-ayos sa mga bagay na akala nating hindi na maaayos ay nagagawa pa ring paganahin tulong ng mga magagaling na mekaniko ng relo.

Sana pagyamanin pa ng mga susunod na henerasyon ang mga “Watch Repair Shops” upang hindi ito tuluyang mawala, at lagi nating tatandaan na napaka-importante ng oras, huwag sayangin, gawin ang mga bagay na iyong ikakasiya at importante sa lahat, huwag kalimutang magsuot ng relo at kung ito ay masira, huwag basta-basta itapon, marahil malamang sa malamang, kayang-kaya gawin at kumpunihin yan sa “WATCH REPAIR SHOPS”.

 

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN