SANHI AT SOLUSYON SA MATINDING UBO
Maraming dahilan kung bakit tinatamaan ng matinding ubo at sipon ang isang tao, marahil dahil ito sa klima ng ating bansa, subalit kung tayo ay mag-iingat at magkakaroon ng tamang lifestyle, ay maiiwasan ito. Kaya naman narito ang mga sanhi at solusyon ng ubo (cough), mapabata ‘man o matanda, ay hindi ligtas sa simple ngunit lubhang mapanganib na sakit na ito.
Una, mahinang
resistensya at madaling tamaan ng virus. Kung ikaw ay walang sapat na bitamina
sa iyong katawan, mabilis kang mahahawa sa viral na sakit na ito. Upang
maiwasan, ugaliin ang pagkain ng gulay at prutas na mataas sa bitamina C.
Sunod, ay kung
ikaw laging bilad sa araw, mabilis matuyo ang iyong lalamunan na maaaring sanhi
ng pagbuo ng plema sa iyong baga. Ugaliing uminom ng walo hanggang sa
labindalawang basong tubig upang ito’y maiwasan. Dahil sa panahon ngayon ay
usong-uso na naman ang sakit na ito.
Ikatlo, ang
sakit na ito ay nakakahawa, upang hindi mahawa at makahawa, ugaliing takpan ang
bibig at ilong kung ikaw ay nasa mataong lugar, para naman hindi makahawa,
ugaliing magtakip ng bibig upang hindi pa makapandamay ng sakit at makahawa.
Ika-apat, ang paninigarilyo ay malimit na sanhi ng ubo dahil nakaka-apekto ito sa ating mga baga, upang maka-iwas, simple lamang, iwasan ito at maghanap ng mas maganda pang lifestyle.
NapakaramI ang sanhi subalit napakarami rin ang solusyon. Ayon sa tanyag na doctor na si Dr. Willie Ong, ilan sa mga solusyon ay ang mga sumusunod; Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok – Ang pag-inom naman ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag din ng mga tubo natin sa baga. Umiwas sa mga nakaka-allergy. Uminom ng tsa-a at lemon. Umiwas din sa mausok na lugar. At ang pinaka-importante sa lahat, ay ang magpahinga.
Photo credit to Verywell Health
Comments
Post a Comment