Posts

Showing posts from October, 2025

IPHONE 13 DEAD BATTERY

Image
Kahapon, habang nanonood sa TV, iniwan kong naka-charge itong IPhone13 ko, then after almost 2 hrs, binalikan ko sya. Napansin kong ayaw na nya mag open, so triny ko lahat ng way para mag open sya. Akala ko sira yung charger ko, so nanghiram ako sa kapatid ko naka Iphone 13 din. Ayaw din gumana at bumukas hanggang sa nagpapanic na ako. Kaya naman dinala ko na sya sa Cellphone Repair Shop na malapit lamang dito sa amin, binuksan nila at tiningnan kung battery ba ang sira. Nag try sila ng bagong battery pero di pa rin gumana. Ang sabi mukhang motherboard ang sira, which is nakakakaba dahil mahal magpa-replace ng motherboard.  So may nirefer silang shop din na isang tricycle lang naman papunta roon. Nagtungo agad ako at nalaman agad nung technician na Full short circuit daw ang sira, so motherboard nga. Initial estimated na cost is 6k, edi oo agad ako since super need ko yung Phone at naroon lahat ng aking personal na pangangailangan sa trabaho ko. Edi ayun, almost 2 hrs ako nagwait, ...

MY MYSTERY MANILA EXPI

Image
 Hahahaha. Recently Napa-event ang company namin for a halloween themed special at ang napili nilang event for employees at Mystery Manila (Halloween Edition) sa Century Mall. So ang mechanics, dapat ay bumuo kami ng team with 5-7 members. At yon' na voluntold na nga kami. Ang ending, 3 sa team namin at nag back out dahil yung isa may heart condition (valid naman), yung isa may injury at yung isa, wala, natakot lang daw sya hahaha. So eto na, nag sstart na yung games sa mga unang team (buti last kami) eh 4 lang kami, so for disqualification na kami dahil kulang. Namomoblema pa ako kasi walang tao na pwedeng maipalit dahil sobrang konti ng pumasok sa office since hybrid kami (yay). Buti nalang yung isang taga General Accounting eh andun at nagtatag sya ng assets ng company at nayaya ko syang sumali para macomplete kami. At G naman sya. Pagdating namin, ayun may foods agad at naka 3 akong hotdog sandwich (TJ kasi yung hotdog eh) hahaha. Then yung mga interns namin ay sumali rin at na...

ANG HEALTHY NA FRESH BUKO JUICE

Draw draw ay umiinom ako ng fresh buko juice. Pakiramdam ko sobrang nakakatulong ito sa pag maintain ng aking creatinine. Kahit may gamut ako na maintenance ay hindi naapektuhan ang aking kidney (Sana). Refreshing na healthy pa. Kaya tara at mag BJ na.