MY MYSTERY MANILA EXPI
Hahahaha. Recently Napa-event ang company namin for a halloween themed special at ang napili nilang event for employees at Mystery Manila (Halloween Edition) sa Century Mall. So ang mechanics, dapat ay bumuo kami ng team with 5-7 members. At yon' na voluntold na nga kami. Ang ending, 3 sa team namin at nag back out dahil yung isa may heart condition (valid naman), yung isa may injury at yung isa, wala, natakot lang daw sya hahaha.
So eto na, nag sstart na yung games sa mga unang team (buti last kami) eh 4 lang kami, so for disqualification na kami dahil kulang. Namomoblema pa ako kasi walang tao na pwedeng maipalit dahil sobrang konti ng pumasok sa office since hybrid kami (yay). Buti nalang yung isang taga General Accounting eh andun at nagtatag sya ng assets ng company at nayaya ko syang sumali para macomplete kami. At G naman sya.
Pagdating namin, ayun may foods agad at naka 3 akong hotdog sandwich (TJ kasi yung hotdog eh) hahaha. Then yung mga interns namin ay sumali rin at nauna sila sa amin, mukhang nag enjoy naman sila. So eto na, nung time na namin para pumasok sa Cinema 4 at i-solve ang mystery, yung isa naming kasama ay kabado bente na. Ginawa akong tungkod buong game sa sobrang takot. Hahaha. Pero worth it naman kasi out of 8 teams, kami ang nanalo at kami ang pinaka mabilis na nakatapos masolve ang mystery. Ayun lang, share ko lang. Enjoy naman! Kaya if magkakabarkada kayo na hanap ay Thrill at katatakutan this Halloween eh pwede nyo ito i-try hehe.

Comments
Post a Comment