IPHONE 13 DEAD BATTERY

Kahapon, habang nanonood sa TV, iniwan kong naka-charge itong IPhone13 ko, then after almost 2 hrs, binalikan ko sya. Napansin kong ayaw na nya mag open, so triny ko lahat ng way para mag open sya. Akala ko sira yung charger ko, so nanghiram ako sa kapatid ko naka Iphone 13 din. Ayaw din gumana at bumukas hanggang sa nagpapanic na ako. Kaya naman dinala ko na sya sa Cellphone Repair Shop na malapit lamang dito sa amin, binuksan nila at tiningnan kung battery ba ang sira. Nag try sila ng bagong battery pero di pa rin gumana. Ang sabi mukhang motherboard ang sira, which is nakakakaba dahil mahal magpa-replace ng motherboard. 

So may nirefer silang shop din na isang tricycle lang naman papunta roon. Nagtungo agad ako at nalaman agad nung technician na Full short circuit daw ang sira, so motherboard nga. Initial estimated na cost is 6k, edi oo agad ako since super need ko yung Phone at naroon lahat ng aking personal na pangangailangan sa trabaho ko. Edi ayun, almost 2 hrs ako nagwait, naayos naman agad ang motherboard pero di nagreresponse yung sa Wifi/Data, only to find out na sira rin ang lower board, and upon checking. Natamaan din ang LCD. Triple whammy! Di na ako nagsasalita kasi iniisip ko kung bibili nalang ba ako ng bago. Edi hinayaan ko na, since naayos naman na yung motherboard. 

Parang naawa sa akin yung technician at inilibre nalang nya sa akin yung lower board hahaha. Tapos kung papalitan daw yung LCD, may class A sila na nagkakahalagang 3k at 5,500 naman para sa original. Aba syempre, hindi na ako nag isip. Dun na ako sa class A. Pero lalo akong nalungkot na hindi sya makukuha ng same day kahapon, kaninang hapon ko lang sya nakuha. Atleast working naman na yung phone pero grabe ang hassle, pangalawa na ito ngayong taon na nasira. Mukhang magpapalit na ako next year. Hehe.

Sa mga magtatanong. Eto ang name ng shop. Shoutout sa kanila sa magandang service. Ay Fix Repair Services.

Ayun lang. Sana tumagal na ito kasi parang bumili na ako ng bagong phone. Nakaka 15k na ako sa pagpapaayos nito. Umay.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

SIKAT NA MERYENDA TUWING TAG-ULAN

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!