Posts

Showing posts from April, 2019

Ang mga reklamo ko sa buhay (oo, reklamador ako!)

Yung uuwi ka galing sa toxic mong trabaho na pagod na pagod, byahe ng 2 hours at 30 mins na nakatayo sa pila tapos pagdating ko sa bahay ako pa ang magpapakain sa aso, ako maghahanda ng kakainin ko at higit sa lahat ako ang maglalatag ng hihigaan ko. Hindi nga ako nahahanginan ng electric fan at hindi ako nakakatikim ng lamig ng aircon nila sa kwarto pero ako ang nagbabayad ng kuryente at tubig, pati ng cable at wifi na hindi ko naman magamit pag uwi ko dahil sa sobrang bagal! Ako nagpapasahod sa kasambahay namin pero ako ang naglalaba ng mga marurumi kong damit! Ako lahat! Pero hindi ako nagreklamo sa kanila, ngayon lang ako nag-iinarte at pagod na pagod talaga ako sa trabaho at sa byahe! Hays! Nakakaiyak ang buhay, sana mabago ko sa sarili kong palad ang buhay na ito ngayo g taon.

KUKO, DAPAT PANGALAGAAN!

Bukod sa buhok, ang kuko ay kusa ring humahaba at regular na ginugupit upang hindi pasukan ng dumi at gumanda sa paningin ng mga taong ating nakakasalamuha.                May iba’t-ibang uri ng kuko na tumutubo sa ating mga daliri sa paa at kamay, mayroong patulis na kuko, mayroon ding pantay lang at mayroon ding nakabaon sa laman ng daliri o ang tinatawag na in drone.                Para sa ating mga Pilipino, mahalaga na dapat laging malinis ang ating mga kuko kaya naman, kailangan itong gupitin dahil kapag ito’y mahaba na, pinapasok ito ng alikabok na nagiging kulay itim na dumi na nakaipit sa ting mga kuko.                Karamihan sa mga kalalakihan, hindi mahalaga kung anung klaseng gupit ang gawin sa kanilang mga kuko, ngunit para sa mga kababaihan, kailangan may design, bukod kasi sa mga gamot n inilalagay nila sa kanilang mga kuko, madalas rin silang maglagay ng cutix.                  May iba’t-ibang kulay ang inilalagay ng karamihan sa mga babae, may puti, asul, p

PAYONG REPAIR

            Na-try niyo na bang magpagawa ng inyong mga iniingatang payong? Tuwing tag ulan o kahit   araw man, kapag nasira ang ating mga payong, saan pa tayo lumalapit? Edi sa mga nagrerepair nito, mayroong nakapuwesto o kaya naman nag do-door-to-door.                Ngayong tag-ulan, marami ang customer ng payong at kapote, kaya naman kapag nasira ang mga ito, nilalapitan ang mga talented na nagrerepair nito, basta’t marunong lang sa mga bakal-bakal at manahi ay siguradong kakayanin mong gumawa ng sirang payong.                Tila halos ng mga Pilipino ay mayroong payong sa kanilang bag sa tuwing may lakad o aalis ng bahay, ito kasi ay proteksyon sa init at ulan upang ‘di tayo dapuan ng iba’t ibang sakit tulad nang lagnat.                Maaari itong inegosyo kung mayroon kang talent sa paggawa nito, kailangan mo ang mga piyesang nanggaling sa sirang mga payong at iba’t ibang kulay ng sinulid at karayom para sa pangtahi.                Nasa iyo na rin kung magkano ang sis