Ang mga reklamo ko sa buhay (oo, reklamador ako!)

Yung uuwi ka galing sa toxic mong trabaho na pagod na pagod, byahe ng 2 hours at 30 mins na nakatayo sa pila tapos pagdating ko sa bahay ako pa ang magpapakain sa aso, ako maghahanda ng kakainin ko at higit sa lahat ako ang maglalatag ng hihigaan ko. Hindi nga ako nahahanginan ng electric fan at hindi ako nakakatikim ng lamig ng aircon nila sa kwarto pero ako ang nagbabayad ng kuryente at tubig, pati ng cable at wifi na hindi ko naman magamit pag uwi ko dahil sa sobrang bagal! Ako nagpapasahod sa kasambahay namin pero ako ang naglalaba ng mga marurumi kong damit! Ako lahat! Pero hindi ako nagreklamo sa kanila, ngayon lang ako nag-iinarte at pagod na pagod talaga ako sa trabaho at sa byahe! Hays! Nakakaiyak ang buhay, sana mabago ko sa sarili kong palad ang buhay na ito ngayo g taon.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN