PAYONG REPAIR


            Na-try niyo na bang magpagawa ng inyong mga iniingatang payong? Tuwing tag ulan o kahit  araw man, kapag nasira ang ating mga payong, saan pa tayo lumalapit? Edi sa mga nagrerepair nito, mayroong nakapuwesto o kaya naman nag do-door-to-door.
               Ngayong tag-ulan, marami ang customer ng payong at kapote, kaya naman kapag nasira ang mga ito, nilalapitan ang mga talented na nagrerepair nito, basta’t marunong lang sa mga bakal-bakal at manahi ay siguradong kakayanin mong gumawa ng sirang payong.
               Tila halos ng mga Pilipino ay mayroong payong sa kanilang bag sa tuwing may lakad o aalis ng bahay, ito kasi ay proteksyon sa init at ulan upang ‘di tayo dapuan ng iba’t ibang sakit tulad nang lagnat.
               Maaari itong inegosyo kung mayroon kang talent sa paggawa nito, kailangan mo ang mga piyesang nanggaling sa sirang mga payong at iba’t ibang kulay ng sinulid at karayom para sa pangtahi.
               Nasa iyo na rin kung magkano ang sisingilin mo sa iyong mga Customer dahil dipende ito sa kung gaano ito katagal gawin at gaano karami o kalaki ang pinsala ng inyong mga payong.
               Ngayong tag-ulan dapat lagging handa ang lahat, dapat laging dala ang mga payong pansangga sa ulan at kung masira ang mga payong niyo, maaari itong ipagawa sa mga “PAYONG REPAIR”

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN