KUKO, DAPAT PANGALAGAAN!


Bukod sa buhok, ang kuko ay kusa ring humahaba at regular na ginugupit upang hindi pasukan ng dumi at gumanda sa paningin ng mga taong ating nakakasalamuha.
               May iba’t-ibang uri ng kuko na tumutubo sa ating mga daliri sa paa at kamay, mayroong patulis na kuko, mayroon ding pantay lang at mayroon ding nakabaon sa laman ng daliri o ang tinatawag na in drone.
               Para sa ating mga Pilipino, mahalaga na dapat laging malinis ang ating mga kuko kaya naman, kailangan itong gupitin dahil kapag ito’y mahaba na, pinapasok ito ng alikabok na nagiging kulay itim na dumi na nakaipit sa ting mga kuko.
               Karamihan sa mga kalalakihan, hindi mahalaga kung anung klaseng gupit ang gawin sa kanilang mga kuko, ngunit para sa mga kababaihan, kailangan may design, bukod kasi sa mga gamot n inilalagay nila sa kanilang mga kuko, madalas rin silang maglagay ng cutix. 
               May iba’t-ibang kulay ang inilalagay ng karamihan sa mga babae, may puti, asul, pula, itim at marami pang iba.
               Sa paglilinis ng kuko, higit na kailangan lamang ng nail cutter, at kung minsan, pati ang cuticle o ang liquid na kulay pink na ginagamit panglinis ng kuko, mayroon ring gamot na pula na ginagamit.
               Upang maiwasan naman ang pagsusugat ng mga daliri, siguraduhin lamang na walang maiiwang maliliit na kuko sa tuwing maggugupit nito, at siguraduhin lang na walang magugupit na balat upang hindi ito magsugat.
               Walang masama kung aalagaan at pagagandahin natin ang ating mga kuko sa daliri sa kamay at paa, subalit, sa lahat ng aksiyong ating ginagawa, karapat-dapat lamang na alamin ang mga responsibilidad upang hindi tayo mapahamak.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN