KWINTAS (SHORT STORY) - PART 1
“Ano ka ba Joshua, nakipagsuntukan ka naman d’yan sa kanto? Wala kang kadala-dala, sinabi ko sayo, huwag na huwag ka ng maglalaro ng Basketball, lagi ka na lang napapaaway!” Banggit ni Nanay Elsie sa kanyang anak na si Joshua, “E’ ‘Nay, sila naman po itong nag-umpisa ng away, paano -” sambit ni Joshua subalit pinutol agad siya ni Nanay Elsie, “Walang paano-paano, lagi ka na lang may dahilan pag nasasangkot ka sa mga gulo diyan sa kanto, di ka na nga nakakatulong dito sa bahay, puro problema pa ‘yang dinadala mo!” Sambit ni Nanay Elsie. “Hayaan niyo ‘nay, ‘pag ako naging sikat na basketbolista, mawawala lahat ng problema natin, pangako ‘yan” pahabol ni Joshua. Maliwalas ang paligid, maganda ang liwanag ng langit at napakasariwa ng simoy ng hangin, green na green ang kabundukan at napakatahimik ng lugar tuwing sasapit ang gabi. Ganito ang buhay nila Joshua kasama ang tatlo pa niyang maliliit at malilikot pang mga kapatid. Namayapa na ang kanilang ama dahil sa sakit nit