Posts

Showing posts from October, 2017

MY DREAM RESTAURANT

Wannabe chef talaga ako, namana ko sa nanay ko na napaka-sarap magluto, lagi kasi akong nanonood sa kanya sa tuwing nagluluto siya, kaya lahat ng technique natutunan ko sa kanya. Lalo na nu'ng nagkaroon kami ng cable, aba, wala ng ibang channel kung hindi food network at AFC, subaybayko pa lahat ng episode ng Masterchef US. - Courtney is my favorite contestant/winner. so angst. Sabi ko sa sarili ko tuwing nagluluto ako ng paninda namin sa carinderia, balang araw magkakaroon ako ng sariling restaurant na talaga namang sisikat at mafe-feature pa sa iba't-ibang food magazine sa buong mundo, at siyempre ma-recognize ng mga paborito kong chef na sina Gordon Ramsey at Jaime Oliver. Una kong goal ay matuto ng husto sa mga technique, gusto kong mag-aral ng culinary para tuluyan akong matawag na chef. Yung iba kasi jan kahit hindi naman gaanong bihasa sa pagluluto basta't nakapag-aral ng culinary ay natatawag ng chef (although wala namang masama dun) feeling ko lang mas kaya ko

NAG-APPLY AKO NG CREDIT CARD PARA SA TUMBLER

Hindi ko naman talaga gusto ang Credit Card, hangga't maaari ayoko kasi kitang-kita naman natin ang dis-advantages nito. Una, ang Anual Fee, pangalawa, ang interest rate at siyempre ang luho. At dahil mayroong nag-aalok dito with free tumbler para sa mga nag-aapply, edi nag-apply ako, kapag dumating na yung card ipapa-cut ko na. Hahaha.

SAFEWAY BUS (PART II)

Nakasakay na naman ako ng safeway kanina, grabe sumasayaw na yung bus sa sobrang bilis, walang sinabi ang traffic sa EDSA lalo na sa Cubao. Maraming salamat pala kay kuya Konduktor na pumulot ng cap ko, ibibigay ko na sana sayo yun kasi ikaw talaga ang pinaka-mabait na konduktor na palagi kong nasasakyan. Dati payat ka pa pero ngayon tumataba ka na! Hahahaha. Subaybay pala, ayun hindi ko binigay yung cap kasi ayun ang favorite cap ko e. Next time pag may dala akong iba ibibigay ko na sayo. Hahaha. Wala lang, hindi kasi ako na-late kahit late na ako ng gising. Thank you SAFEWAY! Haha.

Mga Klase ng Pasahero sa Jeep na Hindi ko lang Nakakasabay, Nakakatabi ko pa!

(PART 1) Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, normal na sa akin ang pagsakay sa Jeep, well except for Sundays siguro pero occationally go pa rin. Ilang klase na ng mga pasahero ang nakakasabay ko, at based on my experience, masasabi kong wow na wow talaga, iba-iba talaga ang ugali ng mga tao, iba-iba ang mga pananaw sa isa't-isa at iba-iba ng paniniwala. Kaya ito, naisipan kong ilista ang lahat ng experience ko at mga kagimbal-gimbal na karanasan. 1. Yung katabi kong Near Sighted. Yung tipong 72 na ang font size ng kanyang cellphone, edi ayan nabasa ko tuloy ang pagyayaya niya sa Jowa niyang pumunta kung saan-saan, Grabe iniiwasan ko talagang tumingin sa Cellphone niya pero ano ang magagawa ko e Tsismoso nga ako. Next time kuya, pakiliitan yung font size, kahit 48 lang ha.  2. Yung FLYING HAIR ni Ate, Nabusog ako! Hindi ko ugaling mag-almusal sa bahay bago umalis papasok sa trabaho, pero ito si Ate kakaiba, nilibre ba naman ako ng almusal, okay sana kung smooth an

HINDI AKO MAHILIG MAG-SELFIE PERO.......

Image
Hindi talaga ako mahilig mag-selfie, hindi ko feel mag-picture ng sarili ko at isa pa napakalabo ng camera ng Cellphone ko, dinaig pa yung mga makalumang camera. Actually isang taon yata bago ako magpalit ng DP sa Facebook, kaya kapag nakikita ko ang mga Friends ko in person ay nagugulat sila. Hindi talaga ako mahilig mag-selfie pero dahil sa kung anu-anong pa-raffle at pa-contest ang sinasalihan ko, ayun nanalo ako ng isang selfie stick. Ano naman kaya ang gagawin ko dito? edi ibibigay ko nalang siguro sa kapatid kong kulang nalang idikit ang kanyang mukha sa Cellphone niya. Feeling ko tuloy ang swerte ko ngayong buwan na to, akalain mo yun, nanalo ako ng Noche Buena package sa isang pa-bingo dito sa office, aba, edi sali naman ako, kahit may bayad na 100 pesos for 3 cards, pwede na 'yun. At nitong Friday lang, may pa-quiz bee si Corporate Governance dito sa office, edi sali ulit ako, sasagot lang naman ng mga tanong at paunahan magreply sa email. hindi talaga ako nag-exp

FEELING HOPELESS! PETMALU!!!!!!!!!!

Feeling ko talaga hopeless na ako, ang dami kong crush pero hindi ko man lang magawang ligawan. Last month nga, maryoong bago rito sa office, she's so beautiful, mukhang mahinhin, dalagang Pilipina ang itsura, makinis at mukhang mabait (first impression ko 'yun at hindi pa rin nagbabago ngayon).  So feeling ko makaka-score talaga ako ng pogi points dahil lagi ko  syang binibigyan ng ticket ng PBA, pero hindi ngayon kasi Finals tapos Ginebra pa naglalaro, saka malayo ang Philippine Arena, ayaw ko syang mapahamak. HUWAW! lagi nila akong inaasar dun pero nahihiya talaga ako, in short torpe ako. Tapos nalaman ko pa na single siya, edi tumalon ang puso ko. pwede sa Long Jump competition. edi wow, Lodi!. Edi torpe talaga ako wala naman mababago dun. Pero ang hindi ko talaga matanggap e may nagsusulat sa kanya ng letters ngayon dun sa table nya, may pa-chocolate pang nalalaman, at may pa-dunkin' donut pa! Para lang malaman mo kung sino ka mang stalker ka! BAWAL YAN SA O

SAFEWAY BUSSES

Iba talaga ang lipad ng Safeway bus, feeling ko natanggal na lahat ng balakubak ko sa ulo. Hahaha. pero the best, never akong na-late sa trabaho ko kapag safeway ang nasasakyan ko. Yun lang bye.