Mga Klase ng Pasahero sa Jeep na Hindi ko lang Nakakasabay, Nakakatabi ko pa!

(PART 1)

Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, normal na sa akin ang pagsakay sa Jeep, well except for Sundays siguro pero occationally go pa rin. Ilang klase na ng mga pasahero ang nakakasabay ko, at based on my experience, masasabi kong wow na wow talaga, iba-iba talaga ang ugali ng mga tao, iba-iba ang mga pananaw sa isa't-isa at iba-iba ng paniniwala. Kaya ito, naisipan kong ilista ang lahat ng experience ko at mga kagimbal-gimbal na karanasan.

1. Yung katabi kong Near Sighted. Yung tipong 72 na ang font size ng kanyang cellphone, edi ayan nabasa ko tuloy ang pagyayaya niya sa Jowa niyang pumunta kung saan-saan, Grabe iniiwasan ko talagang tumingin sa Cellphone niya pero ano ang magagawa ko e Tsismoso nga ako. Next time kuya, pakiliitan yung font size, kahit 48 lang ha. 

2. Yung FLYING HAIR ni Ate, Nabusog ako! Hindi ko ugaling mag-almusal sa bahay bago umalis papasok sa trabaho, pero ito si Ate kakaiba, nilibre ba naman ako ng almusal, okay sana kung smooth and silky kaya lang parang ang dami pang lisa (okay sana kung yung lisa nya e si Soberano e). Sa susunod ate paki-pony tail yung buhok mo mala-Terrence Romeo.

3. Yung magka-klaseng ngayon lang ulit nagkita, REUNITED! Magka-klase sila nung highschool tapos ngayon lang sila nagkita, aba, ikinuwento na lahat ng ka-klase nila. Kesyo si ganito buntis na, kesyo si ganito sa UNILEVER na nagta-trabaho ngayon, kesyo si ganito si ganyan, yung totoo, pare-pareho ng nadapa lahat ng ka-klase niyo dahil ikinuwento niyo na lahat ng buhay nila sa lahat ng naka-sakay sa Jeep. Okay lang sana kung magkatabi kayo ng upuan e, kaso hindi, yung isa nasa gitna sa kanan, yung isa nasa likod ng driver. Sigawan pa more! Hahaha.

4. Si kuya na panay ang KOYAKOY. Yung totoo? wala naman naka-kabit na earphone sa tenga nya pero panay pitik ng binti nya, hindi ko tuloy kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero kung minsan pinagpa-pasensyahan ko na, baka kasi bandista sya. Hahaha.

5. Si Kuyang Naglilihi. Hindi ko alam kung naglilihi yung asawa nya o siya mismo, kasi bago makarating sa bahay, ubos na yung isang kilong dalandan na binili niya. Ang ending lahat kaming kasabay na pasahero ay nangangasim.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN