HINDI AKO MAHILIG MAG-SELFIE PERO.......

Hindi talaga ako mahilig mag-selfie, hindi ko feel mag-picture ng sarili ko at isa pa napakalabo ng camera ng Cellphone ko, dinaig pa yung mga makalumang camera. Actually isang taon yata bago ako magpalit ng DP sa Facebook, kaya kapag nakikita ko ang mga Friends ko in person ay nagugulat sila.

Hindi talaga ako mahilig mag-selfie pero dahil sa kung anu-anong pa-raffle at pa-contest ang sinasalihan ko, ayun nanalo ako ng isang selfie stick. Ano naman kaya ang gagawin ko dito? edi ibibigay ko nalang siguro sa kapatid kong kulang nalang idikit ang kanyang mukha sa Cellphone niya.
Feeling ko tuloy ang swerte ko ngayong buwan na to, akalain mo yun, nanalo ako ng Noche Buena package sa isang pa-bingo dito sa office, aba, edi sali naman ako, kahit may bayad na 100 pesos for 3 cards, pwede na 'yun.
At nitong Friday lang, may pa-quiz bee si Corporate Governance dito sa office, edi sali ulit ako, sasagot lang naman ng mga tanong at paunahan magreply sa email. hindi talaga ako nag-expect na mananalo ako dun, sa sobrang dami ba naman ng kasali. Pero ang announcement ng winner ay ngayon, kaya nagulat ako na ang pangalan ko ang nasa pinaka-unahan ng mga nanalo, edi wow! Kaya ngayon pag may pa-raffle para sa isang magandang cellphone, aba, hindi ko na talaga yun palalampasin.

Siya nga pala, ito yung selfie stick na napanalunan ko. Pa-sensya na at malabo talaga ang camera ng cellphone ko, sa mga may pa-raffle na cellphone jan. Alam na! Hahahahhaa


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN