MY DREAM RESTAURANT

Wannabe chef talaga ako, namana ko sa nanay ko na napaka-sarap magluto, lagi kasi akong nanonood sa kanya sa tuwing nagluluto siya, kaya lahat ng technique natutunan ko sa kanya. Lalo na nu'ng nagkaroon kami ng cable, aba, wala ng ibang channel kung hindi food network at AFC, subaybayko pa lahat ng episode ng Masterchef US. - Courtney is my favorite contestant/winner. so angst.

Sabi ko sa sarili ko tuwing nagluluto ako ng paninda namin sa carinderia, balang araw magkakaroon ako ng sariling restaurant na talaga namang sisikat at mafe-feature pa sa iba't-ibang food magazine sa buong mundo, at siyempre ma-recognize ng mga paborito kong chef na sina Gordon Ramsey at Jaime Oliver.

Una kong goal ay matuto ng husto sa mga technique, gusto kong mag-aral ng culinary para tuluyan akong matawag na chef. Yung iba kasi jan kahit hindi naman gaanong bihasa sa pagluluto basta't nakapag-aral ng culinary ay natatawag ng chef (although wala namang masama dun) feeling ko lang mas kaya ko pang higitan yun.

Kaya ang dream restaurant ko, Filipino Cuisine syempre, (especialty ang Kaldereta, Menudo, Afritada, Sinigang sa Miso, Sinigang sa Sampalok, Sinigang sa bayabas, Sinigang sa Hipon, Nilagang baboy, Adobong manok, adobong baboy, adobong pusit,) at marami pang iba. Black and white and tema ng aking restaurant kung sakali at mayroong TV na black and white din. Ang twist ng aking restaurant ay rice all you can!!!!!!!!!! Dahil sobrang hilig ng mga pinoy sa kanin.

Basta, ayan ang pangarap kong sana ay matupad, magiging masaya ako kung ito ay matutupad. Hays.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN