TUYO AT CHAMPORADO
Matamis at maalat, ilan lamang
‘iyan sa mga paboritong lasa ng mga Pilipino, kaya naman tayong mga Pinoy ay
sobrang hilig sa Pares tulad na lamang ng dinuguan sa puto, pandesal sa kape at
ang pinaka-patok na tuyo sa champorado.
Sinong
may sabing pang mahirap lang ang tuyo? Kahit nga mismo ang ilang mayayaman ay
paboritong paborito ito. Paano pa kaya kung may kasama pang champorado? Masarap
sa almusal at merienda at minsan ginagawa ring pang midnight snacks.
Lalong
masarap ang champorado kung may gatas at talagang bagay ito sa maalat na tuyo.
MGA SANGKAP
Sa Pagprito ng tuyo
Isang balot ng tuyo (limang
piraso)
Mantika
Sa pagluto ng champorado
Kalahating kilo ng malagkit na
bigas
4 cup ng tubig
¼ kilo ng asukal
Isang lata ng evap milk
PARAAN NG PAGLULUTO
Iprito
ang tuyo sa mainit ng mantika sa loob lamang sa lima o mababa pang minute.
Isaing
o pakuluan ang malagkit na bigas sa tubig, pakuluan hanggang sa maluto ang
bigas.
Kapag
malambot na, ilagay ang cocoa at asukal
Kung
handa at luto na ang champorado, lagyan ito ng evap milk sa ibabaw at isawisaw
ang tuyo. Napakasimple at napakadaling lutuin ang tuyo at champorado na bagay
sa isa’t isa, bagay sa ating panlasa.
Comments
Post a Comment