SIOMAI IS IN THE HOUSE (recipe)
Basta’t Chinese
food, hinding-hindi nawawala ang sarap at lasa ng siomai, halos wala naman
itong pinagkaiba sa shanghai subalit kakaiba ang paggawa nito dahil ito ay
ibinabalot sa molo wrapper at isinasawsaw sa toyo na may chili sauce at
kalamansi.
Halos lahat na rin ng kanto sa
Maynila ay mayroon na ring nagtitinda ng homemade siomai, at hindi naman
nawawala sa mga mall ang mga store ng siomai.
Kung minsan, isinasahog pa ang
siomai sa mga ulam tulad ng sinabawang miswa at patola, puwede rin itong
i-steamed or fried.
Ang mga sangkap ng siomai ay ang
mga sumusunod: Giniling na baboy, giniling na carrots, sibuyas, at bawang,
kailangan din ng bread crams, itlog, asin, paminta, asukal, betsin, mantika, at
molo wrapper.
Para naman sa sawsawan, chili
sauce na may bawang at sili, toyo at kalamansi ang kakailanganin upang
makumpleto ang lasa nito.
PARAAN NG
PAGLUTO
Pagsamahin sa isang lalagyan ang
giniling na baboy, carrots, sibuyas at bawang, haluin ito gamit ang kamay upang
pumantay.
Maglagay ng bread crams at itlog.
Timplahan ng asin, asukal,
paminta, betsin at lagyan ng kaunting mantika.
Haluin lamang ng mabuti upang
pumantay ang kulay saka ito balutin sa molo wrapper.
Maging pasensyoso lamang sa
pagbabalot dahil medyo matrabaho ito subalit madali lamang kung susundin ang
pattern.
At i-steam ito gamit ang steamer
sa loob ng 30-50 minutes depende sa lakas ng apoy o kaya naman, maaari itong
i-deep fry sa mas mabilis na paraan subalit madaragdagan ang cholesterol.
Magtimpla ng toyo, chili sauce or
chili garlic at kalamansi para sa sawsawan ng siomai.
Maaari itong ipalaman sa tinapay, ipartner sa pansit o kaya naman ay i-ulam sa kanin, dahil sa siomai, siguradong busog ang master in the house.
Comments
Post a Comment