MAS PINASARAP NA PORK STEAK
Kung sa ibang bansa, ang pork steak ay niluluto lamang sa
pamamagitan ng pan seared, grilled at fried, iba naman ang version dito nating
mga Pilipino, ito ay ang Pork Steak with soup na tinawag na Bistek Tagalog.
Tulad ng nakasanayan, mas paborito ng mga Pinoy ang may sabaw, kaya
naman ang western recipe na pork steak ay hinaluan ng mga Pilipino ng Chinese
twist na kung saan gumagamit ng toyo sa paglalagay ng sabaw nito.
Karaniwang pamalit ito sa Beef Steak na kung saan ay mas mahal at
mas matagal lutuin dahil mas matigas ang karne nito.
Sa Pork Steak, karaniwang Pork Chop ang uri ng pig’s cut ang gamit
dito, subalit, maaari rin naman gumamit ng iba pang parte ng baboy tulad ng
liempo, kasim at laman, subalit may karagdagang flavor kung pork chop ang
gagamitin dahil mas malasa ang taba nito.
Para sa mga ingredient nito, kakailanganin lamang ng limang pork
chop, dalawang malaking sibuyas, dalawang tablespoon ng oyster sauce, walong
piraso ng kalamansi, isang ulo ng bawang, paminta at asin, ¼ cup ng cooking
oil, limang tablespoon ng toyo, tatalong tablespoon ng asukal, at dalawang cup
ng malinis na tubig.
Para lutuin, Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika, papulahin ito
at saka ilagay ang pork chop.
Lagyan ng oyster sauce at toyo upang ito ay i-marinade habang
pinapalambot ang baboy.
Ilagay ang tubig, timplahan ito asin, paminta at asukal.
Pigain ang mga kalamansi, siguruhing huwag isama ang mga buto nito.
Lagyan ito sa ibabaw ng sibuyas, pabilog ang hiwa at maaari na itong
ihain sa buong pamilya.
Kaya ano pa ang hinihintay, kumuha na ng kawali, kutsilyo, tadtaran
at simulan na ang masasarap na pagkaing tulad ng pork steak o bistek na hindi
lang patok sa panlasang banyaga, patok na patok din lalo na sa mga panlasang
Pinoy.
Ang recipe ring ito ay humihikayat ng mga mamimili sa mga street restaurants o karinderya na talaga namang mapapa-wow sa sarap.
Photocredit to PanlasangPinoy.Com
Comments
Post a Comment