TRADING HAUS, KAINAN, RESTO-BAR ATBP SA HMR PHILIPPINES
Complete package ba ang hanap mo? Magshopping at kumain sa mas murang halaga kumpara sa mga pangunahing mall sa bansa, narito ang HMR Philippines na tutugon sa inyong mga hinahanap.
Maaaring
mag buy and sell ng mga gamit sa kanilang trading haus, sari-saring gamit at
appliances ang maaaring ipagpalit dito.
Mayroong
Television set, Refrigerator, computer set, Speaker, DVD Players, Electric Fan,
Air Conditioner, at napakarami pang iba.
Halimbawa
rin ng mga ibinebenta at binibili rito ay ang iba’t-ibang uri ng gamit sa
bahay, tulad din ng Sofa, lamesa, aparador at napakarami pang iba.
Kung ikaw naman ay magugutom sa rami ng iyong pinamili, mayroong HMR – Pioneer Market na matatagpuan lamang sa likod ng trade center, napakaraming pagpipilian dito, mayroong Chinese Food, Vietnamese Food, Japanese Food, Western Food at siyempre, Filipino Cuisine.
Mayroong
KTV Bar tuwing umaga na matatagpuan sa second floor ng gusali na maeenjoy ng
buong barkada, mayroon ding open bar sa labas lamang ng gusali tuwing gabi
naman ito, at maaaring makipag-jamming sa mga banda.
Matatagpuan
ang HMR Philippines sa kanto ng Pioneer at Reliance Street sa Mandaluyong,
malapit ito sa TV5 Network.
Kung
ikaw ay manggagaling sa EDSA – Boni, sumakay lamang ng Tricycle sa Robinson’s
Pioneer at bumaba mismo sa tapat ng HMR upang ito’y mapuntahan.
Comments
Post a Comment