PAGIGING JOURNALIST, ISA SA PINAKA-DELIKADONG TRABAHONG PINOY

 Balita rito, balita roon, kahit saan man tayo pumunta, ang bansa natin ay hindi nauubusan ng balita, mapa-politika, pang-palakasan, entertainment, balitang probinsya at sari-sari pa na mainit sa mata ng karamihan. Kung ano ang viral, siya ang sikat, kung ano ang madalas makita sa internet ay madalas na ring pinaniniwalaan ng mga tao. Maraming maaaring pang-galingan ang balita bukod sa internet, unang-una na rito ang telebisyo, ang pinaka-mabisa at epektibong balita.

              Mas credible ang balita kung ito’y nakikita ng ating mga mata, isang medium din ay ang radyo na kung saan mas epektibo sa mga probinsya at liblib na lugar ng ating bansa. At ang huli ay ang dyaryo na mas convenient sa lahat dahil maaari itong dalhin saan man.


              Ngunit kung minsan, ang nagbabalita ay siya mismong nababalita tulad ng nangyari sa Maguindanao noong taong 2009 kung saan 32 na Journalist ang napaslang. Sinasabi rin na hindi bababa sa lima kada taon na Journalist ang napapaslang sa iba’t-ibang panig ng ating bansa. Lalo itong nadadagdagan tuwing sasapit ang eleksyon na kung saan mas umiinit ang mga balita na nagiging sanhi ng trahedya.

              Ayon sa isang website na ecomapremo.com, isa ang Journalism sa siyam na pinaka-delikadong trabaho sa Pilipinas. Kabilang ang mga onstruction workers, waste collectors, law enforcers, compressor miners, firefighters, septic tank cleaners, window and rooftop cleaners, at bartenders. Kaya naman maigting pag-iingat ang pagbabalita ang kinakailangan, ayon din sa isang ulat, tinukoy ni Pangulong Duterte na ang mga Journalist mismo ang nagpapahamak sa kanilang mga sarili.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN