ANG PABORITONG PAGKAIN NG MGA PILIPINO (PERSONAL LIST)

01. SISIG - Sa tingin ko ito na talaga ang paboritong pagkain ng mga Pinoy, bukod sa pwede itong i-ulam, number 1 din itong pulutan ng mga tatay sa kanto.

02. LUMPIANG SHANGHAI - Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit nasa ikalawang puwesto ang shanghai, pero para sa akin, walang Pilipino ang hindi kumakain nito. Sa bawat handaan ay present ito at kauna-unahan laging nauubos.

03. SINIGANG NA BABOY - Sabi nga ng ilang, ito ang isa sa best comfort ulam dito sa Pinas. Sino ba naman ang hindi mapapangiwi sa asim nito. Pero para sa akin, isa ito sa pinaka paborito ko, pu-pwede rin ang Sinigang sa Isda, Baka at iba pang variety nito.

04. ADOBONG MANOK - One of the world's best, ika nga ng mga banyaga. Isa ito sa pinaka-sikat na ulam at pagkain di laman sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa buong mundo. Pero ang mga pinoy, di pa rin nakaka get over sa Sinigang vs. Adobo. Bahala na kayo humusga.

05. KARE-KARE - Umuusbong ngayon sa kasikatan ang Kare-kare, sabi nga nila, It's Sisig vs. Kare-kare na raw ang labanan ngayon. Ngunit bukod sa naunang apat na pagkaing Pinoy, mas sosyal at mahal ang mga sangkap nito kaya bihira lamang ito lumabas sa mga hapagkainan ng mga pilipino.


06. NILAGA-BULALO - Kung usapang comfort food lang naman, di papahuli ang Nilagang Baka o ang Bulalo na sikat na sikat sa Tagaytay. Paano ba naman? Pag higop mo palang ng sabaw nito ay talaga namang, wow na wow. Bukod sa wow factor, isa rin ito sa mga ipinagmamalaki ng mga Pinoy.

07. PANCIT PALABOK - Napakaraming klase ng pancit dito sa Pinas, pero ang pancit Palabok na ata ang may kakaibang lasa sa lahat. Dahil sa halo-halong sahog nito. Seafood at pork lang naman na napakaperfect combination.

08. HALO-HALO - Aba, syempre di mawawala ang desert, itong desert na ito ay maaaring mabili lamang sa kung saang kanto ng Pilipinas, at talaga namang ipinagmamalaki ito ng mga Pinoy.

09. LECHONG BABOY - Sabi nila, kung meron nito sa handaan mo, aba, wag ka na magtaka kung kinabukasan marami ng mangungutang sayo. Sa crispy na balat nito palang taob ang lahat. At pag may natira, Pupwede naman itong i-paksiw.

10. FRIED CHICKEN - Dahil sa Chicken Joy ng Jollibee kaya naging iba na ang datingan ng Fried Chicken sa Pilipinas. Paborito ng mga chikiting at bata kaya naman talang isa ito sa mga paborito ng lahat.

Syempre, hindi lang iyan ang mga pambato ng mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga pagkaing Pinoy na number 1 sa panlasa ng lahat.

MENUDO, AFRITADA, MECHADO at KALDERETA. Hanggang ngayon pinag-aawayan pa rin ng nakakarami ng pagkakaiba ng apat na ito pero bahala na basta masarap silang lahat.

BEEF BROCOLLI
AMPALAYA CON CARNE
DINUGUAN
BICOL EXPRESS
PINAKBET
GINISANG MUNGGO
TORTANG TALONG
PANCIT CANTON
TOTSONG BANGUS
LUMPIANG SARIWANG GULAY
AT MARAMI PANG IBA



Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN