Nagresign ako.


Sabi nila while you are young, mas magandang i-explore na natin ang mga gusto natin sa buhay lalo na sa career. I graduated AB Mass Communication sa isang sikat na unibersidad sa Manila pero nag umpisa ang aking karera bilang isang Treasury Staff sa isang kilalang TV Network dito sa Pilipinas. Tinanggap ko ang trabahong iyon dahil ang pag-aakala ko ay maaari akong malipat ng department. 

After 7 years, hindi ako nalipat, naburo ako as Treasury Staff, although napromote naman once at naging Treasury Analyst. Isang araw, may tumawag sa akin, Manager ng isang napakalaking kumpanya sa Pilipinas na maraming subsidiaries sa larangan ng banking, power distribution, real estate, food, shipping, construction at marami pang iba. Nu'ng una, pinag iisipan ko kung mag aapply ako dahil alam ko kung gaano kahirap makapasok sa company na ito. Pero sinubukan ko ang interview, exams at ang final interview at nakapasa naman. Mas maganda ang compensation at JD, pareho lamang ng benefits kaya di na ako nag atubiling umalis at magresign.

7 years di ako nag grow sa previous company ko at hindi ako umaalis dahil sa napakagandang benepisyo, MVP Group of companies ba naman eh. Pero dahil di ko na rin naman nagagamit ang napag aralan ko bilang media practitioner, eh minabuti ko nang mag take risk at lumipat. First time ko magresign at gulong-gulo ang isip ko ng mga panahon na yun. Pero ngayon ramdam ko ang pagmamahal ng mga TL at team mates ko. Mahal din naman ako ng previous sup and manager ko pero feeling ko for 7 years hindi nila ako na-appreciate.

Ganun din siguro ang mapapayo ko sa lahat na huwag matakot mag take risk dahil para sa atin din naman ito. Kung hindi tayo makaalis wala naman masama lalo na kung may mga binubuhay tayong pamilya. Pero kung mag opportunity na darating sa atin. Wag tayong magdalawang isip lalo na kung gusto rin naman natin ito.

Yun lang, salamat.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN