UNDAS 2025

First time namin na mag visit sa cemetery na immediate family yung bibisitahin. Nakakapagod pero masaya na ginugunita natin ang yumao nating mahal sa buhay. Kudos pala sa cemetery kung saan nakalibing ang aking tatay, Forest Lawn, dito sa Montalban, Rizal. Napakalawak, maaliwalas at higit sa lahat, hindi siksikan ang mga tao (although yung mga sasakyan lang dahil walang maparkingan) pero since wala naman kaming sasakyan ay okay lang naman.

Marami kaming nilutong pagkain, una na rito ang chao fan ala chowking style na may toppings na shanghai, siomai at hotdog. Meron din kaming nilutong Ube Halaya, at pritong liempo. Yung kapatid ko naman ay nagdala ng no baked macaroni. Para kaming nagpicnic doon, dahil naparaming nagtitinda ng pagkain, nag halo halo kami sa Chowking, nag sweet corn at kung ano ano pa.

Kung makikita sa aking larawang kinuha, napakaluwag, kanya kanyang dala ng tent at napakalinis ng paligid. May disiplina ang mga tao at may kanya kanyang buhay. Kaya sa susunod na taon ay lalo naming paghahandaan. Pero gayunpaman, araw araw pa rin natin dapat gunitain ang ating mga mahal sa buhay na wala  na rito sa mundong ibabaw.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

SIKAT NA MERYENDA TUWING TAG-ULAN

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!