BAWANG, KING OF ALL RECIPES
Sa panahon ngayon, sa hindi malamang dahilan, napakamahal ng bawang, halos ginto na nga ito dahil sa ilang palengke, 15 pesos ang kada ulo nito at pumapatak na 250 pesos ang kada kilo. Alam niyo ba kung bakit tinatawag ng ilang eksperto sa pagkain na hari ng mga pagkain ang bawang? Dahil ito ay isang sangkap ng isang lutuin na nagtatanggal ng lansa sa pagkain at hindi lang ‘yun, nagbibigay din ito ng kakaibang aroma sa mga recipe. Ang bawang ay isang klase ng gulay na isang uri rin ng sibuyas na ginagamit na pangunahing sangkap sa pagluluto, isa rin itong halaman na ginagamit ng mga katutubo sa panggagamot tulad ng sa kagat ng aso at iba pa. Mapa-bigating ulam man o pang restaurant pa, hinding-hindi mawawala ang bawang lalo na sa mga ginisang lutuin, unang-una na nga ang ginisang gulay, tulad ng mga simpleng lutuin, ang ginisang gulay sa giniling na baboy at iba pa. Hindi naman magiging sinangag ang isang sinangag ku