KWINTAS (SHORT STORY) - PART 4

 


“E’ paano mo malalaman pangalan niya ‘e napaka-suplado naman, saka ‘wag mo na siyang isipin dahil hindi na kayo magkikita ‘nun” sambit ni Jamie, “I just want to thank him in a good manner” wika ni Janine, “O siya-siya, tara na’t bilisan mong maglakad at kanina pa ako gutom na gutom” wika ni Jamie.

               Habang kumakain, nakita ni Janine at Jamie si Jake, ang campus heartthrob, at gustong-gusto ni Jake si Janine subalit wala namang gusto si Janine rito, si Jamie lamang ang nagpupumilit kay Janine na gustuhin din ito.

               “A’ may nakaupo ba rito?” Tanung ni Jake kila Janine kung maaaring maki-share ng table, “A’ oo naman, para sayo talaga itong espasyong ito” agad na wika ni Jamie.

               Siniko ni Janine si Jamie at binulungan, “Ano ka ba? Ayokong kasabay kumain ‘yang mayabang na ‘yan” agad naman sumagot si Jamie, “Jake, buti na lang daw sumabay ka samin sabi ni Janine, gusto niya kasing makipag-kwentuhan sayo e.”

               “Talaga? Alam ko naman ‘yun na gusto mo kong kasama Janine, hindi mo lang sinasabi” wika ni Jake.

               Napangiti na lamang si Janine subalit sa loob-loob niya, inis na inis na siya, hindi ito napapansin ni Jamie subalit napapansin naman ni Jake na bumibilis ang pagkain ni Janine na tila hindi na nginunguya ang kinakain.

               “O’ dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka, ganyan ka ba talaga kumain?” tanung ni Jake kay Janine, nagulat naman si Jamie sa itinanong ni Jake kaya naman agad niyang tinanong si Janine “teka friendship, gutom na gutom ka ba? Ba’t ganyan ka kumain, ‘wag kang magmadali, bagalan mo lamang at sulitin natin ang pagkakataon na nasa harap natin ang heartthrob ng bayan” wika ni Jamie.

               “Mag-CR lang ako” sambit ni Janine, agad itong umalis at hindi na bumalik, habang nasa garden ng eskwelahan, naghihintay para sa susunod na klase, may biglang tumatawag sa phone niya, si Jamie, subalit hindi niya ito sinagot at nagbasa na lamang ng libro.

               Mahilig magbasa ng libro si Janine, isang kilalang manunulat ng libro ang kanyang ina na nagturo sa kanya na dapat laging magbasa ng libro at iba pang mga material na babasahin upang makatulong sa kanya lalo na sa pag-aaral.

               Mayaman ang pamilya ni Janine, businessman ang kanyang ama na isang pangunahing stockholder sa bansa, at nakatira sa magarang bahay at may sariling sasakyan.

               Subalit hindi niya pinapaalam sa mga kaklase ang estado niya sa buhay, madalas at tahimik at simple lang ito at hindi maarte sa kapaligiran.

               Hinawakan ni Janine ang kwintas at saktong alas dos na ng hapon, papasok na siya sa isang klase na hindi pa niya alam kung sino ang mga magiging ka-klase bukod sa kanyang kabigan na si Jamie.

               Kakaunti pa lamang ang nasa classroom, dahil siguro pangalawang araw pa lamang ng pasukan (martes) at unang araw pa lamang para sa subject na Calculus, iilan lamang silang babae sa kursong Civil Engineering, at dahil pangalawang semester pa lang, hindi pa niya nakikilala ang lahat ng kumukuha nito.

               “Janine!” pasigaw na tawag ni Jamie kay Janine, “San ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap at hindi mo rin sinasagot mga tawag ko, akala ko ba nag-CR ka lang?” dagdag pa ni Jamie, “alam mo ba, ang swerte mo, kaklase natin dito si Jake” dagdag at walang tigil na pananalita ni Jamie at sinundan pa “at ka-klase rin natin ‘yung nagsauli ng kwintas mo.”

               Agad naman na nabuhayan si Janine, “Ano, nasaan siya?” “Ayun sa gilid, pero hayaan mo na siya, magpapasalamat ka lang naman diba? ‘Wag ka ng magbigay ng reward” wika ni Jamie, “sinong nagsabi sayo na magbibigay ako ng reward, magpapasalamat lang ako” sagot ni Janine, napansin din nito na walang katabi si Joshua kaya naman may bigla siyang sinabi kay Jamie “Jamie, ‘dun na lang ako uupo ha, magkatabi naman tayo sa lahat ng klase ‘e.”

               “Sige lilipat na ako ha” wika ni Janine na agad naman umalis sa kanyang kinauupuan at lumipat sa tabi ni Joshua, halatang na-excite si Janine subalit kinabahan nab aka isnabin ulit siya nito.

               “May nakaupo ba rito? Puwede ba akong umupo?” tanung ni Janine, “A’ meron pero wala pa naman siya kaya sige d’yan ka na” sagot ni Joshua na nagtataka kung bakit tumabi sa kanya ang dalaga dahil napakaluwag pa ng classroom.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN