KWINTAS (SHORT STORY) - PART 5


 

“A’ salamat nga pala” pasasalamat ni Janine, “Kundi dahil sayo hindi ko na siguro makikita ‘tong kwintas ko, napakahalaga kasi nito sa akin, kaya maraming salamat sayo, ako nga pala si Janine” wika ni Janine, “walang anuman, Joshua” sagot ni Joshua at nginitian naman si Janine at patuloy na nagbasa ng isang aklat.

               May ibang nararamdaman si Janine kay Joshua, feeling niya ay ito na ‘yun, ang lalaking hinahanap niya at magpapasaya sa kanya habang buhay, gusto niyang magpapansin subalit hindi siya nito pinapansin o kahit nililingunan man lang.

               Dumating na rin ang professor, si Mr. Angeles, “good afternoon class” bati ng professor, “dahil first day natin ngayon, wala pa tayong gagawin kundi magpakilala sa isa’t-isa, teka, ang alam ko 35 kayo sa klase a? Bakit iilan lang kayo ngayon? Sige lahat ng nandito, bibigyan ko ng plus 5 sa first quiz natin” dagdag ng professor.

               Habang dinidiscuss ni Mr. Angeles ang grading system, napansin ni Joshua na natutulog si Janine sa tabi, hindi naman niya masisi si Janine dahil nakakaantok naman talaga dagdag pa na nakakaantok din ang oras kaya minabuti nitong kalabitin si Janine at kausapin.

               “Ay, pasensya na, inaantok na kasi talaga ako” pagpapaliwanag ni Janine, “Okay lang, baka kasi mahuli ka ni sir na natutulog, baka mayari ka” wika ni Joshua.

               “Oo nga e’ pero inaantok na talaga ako, hindi mo kasi ako kinakausap ‘e” wika ni Janine.

               “Ay kasalanan ko pala, sorry, nagbabasa kasi ako ng libro, gusto mong basahin?” Tanung ni Joshua

               “Tungkol saan ba ‘yan?” wika ni Janine

               “Tungkol ito sa buhay ng isang magsasaka” sambit ni Joshua

               “Magsasaka? Ano naman mayroon sa magsasaka? Totoo, Malaki ang pasasalamat natin sa mga magsasaka dahil kundi dahil sa kanila, hindi tayo makakakain ng bigas at gulay, pero para sa akin, ang mga magsasaka, ipinapanganak na magsasaka, mamatay ding magsasaka” wika ni Janine

               Biglang nanahimik si Joshua, at hindi na siya nagsalita pang muli, magsasaka ang kanyang buong pamilya pero nasaktan siya sa mga sinabi ni Janine kaya naman guston niyang patunayan na nagkakamali ang dalaga, hindi dapat minamaliit ang mga magsasaka, dahil kung tutuusin, sila ang unang naghihirap upang makain natin ang bigas at gulay at prutas subalit kakarampot lamang ang kinikita.

               “Uy, may nasabi ba akong masama?” tanung ni Janine, “bakit bigla kang nanahimik?” Dagdag pa nito

               “Wala naman, may naisip lang ako” wika ni Joshua

               Alam ni Joshua na hindi naman sinasadya ni Janine na sabihin ang mga bagay na iyon dahil hindi naman nito alam na magsasaka ito.

               “Okay class dismiss” wika ni Mr. Angeles

               “Last class mo na ba? Sabay ka na kaya samin palabas” alok ni Janine kay Joshua

               “A’ hindi na, may hihintayin pa ako, salamat na lang sa pag-alok” sagot ni Joshua

               Agad naman sinalubong ni Jamie si Janine sa pintuan, “’dun ka na ba laging uupo? Hindi kasi ako sanay na hindi kita katabi sa upuan e’” wika ni Jamie, “Ang drama mo! Mangongopya ka lang naman ‘e” sambit ni Janine.

               “Grabe ka naman sa akin” wika ni Jamie “Siya nga pala, samahan mo muna ako sa registrar, aayusin ko lang ‘yung information ko ‘dun, mali raw yung nasa form 1-37 ko” dagdag ni Jamie.

               “Hi, pupunta ba kayong registrar, puwede ba akong sumama?” tanung ni Jake, “Oo naman, sasama lang naman ‘e, ano ba gagawin mo ‘dun?” tanung ni Jamie, “may aayusin lang ako” sagot ni Jake

               “Uuwi na pala ako, tinawagan na ako ni Papa, may emergency daw, bye” paalam ni Janine sa kaibigan.

               “Ay, may nakalimutan pala akong gagawin, bukas ko na lang aayusin ‘yung sa akin” paalam ni Jake kay Jamie.

               “Hala, iniwan ako? Ako na nga lang” bulong ni Jamie sa sarili.

 

               Sa pangalawang meeting ng klase, mas marami ng estudyante, halos puno na rin ang buong silid aralan at naroon na rin ang professor maliban sa dalawa, kay Joshua at kay Julia, irregular students kasi ang dalawa kaya naman kung minsan ay nale-late dahil sa pagitan ng oras sa dalawang magkasunod na klase.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN