KWINTAS (SHORT STORY) - PART 2
Isa-isa ng bumaba ang mga estudyante sa bus na kanilang sinasakyan.
Nagtungo agad sa tutuluyang kwarto ang mga ito at inayos ang mga gamit, ayon sa
kanilang makakasama na ipinadala ni Mayor Salcedo, kinabukasan sila mag-e-exam
sa eskwelahang kanilang papasukan at doon na rin mag-eenrol.
“Tulungan na
kita” alok ni Joshua kay Julia, “kaya ko na ‘to” wika ni Julia
“Pare, ayaw
talaga sayo ni Julia” wika ni Jun, “Akin lang siya diba?” dagdag ni Jun, “okay”
sagot ni Joshua.
“Magkaklase tayo
sa lahat ng subject, hindi maiiwasan na magtanong ka sakin, at mag-usap tayo,
kaya naman may mga rules ako na dapat mong sundin” wika ni Julia, “rules?”
tanong ni Joshua, “hindi mo ba naiintindihan? Akala ko pa naman matalino ka”
sambit ni Julia, “teka, bakit naman ako susunod sa rules mo, may bibig naman
ako para may mapagtanungan at may sarili naman akong isip, saka ‘di ko naman
kailangan ng tulong mo, akala mo kasi ikaw lang ang marunong at magaling, dati
gusto kitang maging kaibigan pero sumosobra ka na ‘e” wika ni Joshua.
Napatayo nalang
si Julia at tila nagulat sa sinabi ni Joshua, sa loob ni Julia, nanghihinayang
siya dahil matagal na rin naman niyang gusto si Joshua subalit kailangan niyang
makipagkompetisyon para maging valedictorian kaya lagi niya itong iniiwasan.
“Bro, nagtapat
na ako kay Julia” wika ni Joshua kay Jun, “Ano? Teka, diba sinabi ko sayo na
akin lang siya, hindi ka pala tunay na kaibigan! Manloloko ka!” galit na wika
ni Jun, tumingin naman ng diretso si Joshua kay Jun, tinitigan niya ito ng
masama at sinabing “Ayoko sa kanya! Sayong-sayo na siya, napakapangit ng
pag-uugali niya”
Bago magpasukan,
naghanap muna ng mapagkakakitaan si Joshua, nag-apply siya sa isang call center
at natanggap naman siya agad.
Kada buwan,
nagpapadala si Joshua sa kanyang ina ng kanyang kita subalit makalipas lamang
ang dalawang buwan na pagtratrabaho ay nagresign siya dahil hindi na niya
nakayanan ang panggabing schedule ng pagtratrabaho sa call center.
Sunod-sunod din
ang kamalasan na dumarating kay Joshua, gayundin sa iba pa niyang kasamahan sa
scholarship ni Mayor Salcedo, may dumating kasing balita sa kanila.
Nasa meeting ang
pitong scholar ni Mayor Salcedo at dito na naihatid ang masamang balita, “Isang
semester lang kayo mapag-aaral ni Mayor Salcedo, naubos kasi ang pondo sa
pagpapagawa ng mga kalsada at iba bang inprastraktura” wika ng representative
ng munisipyo ni Mayor Salcedo.
Apat na ang
nagkumpirma na babalik na lamang sila sa probinsiya upang doon na lang
ipagpatuloy ang pag-aaral maliban kay Julia, nagdadalawang isip naman si Jun
kung uuwi na rin siya gaya ng iba.
“Brad, gusto ko
na rin sumama pauwi, sasama ka ba?” Tanung ni Jun kay Joshua, sumagot naman si
Joshua at sinabing “maiiwan ako rito, maghahanap na lang siguro ako ng
trabaho.”
“Sige ikaw
bahala, uuwi na lang ako sa probinsya, mas sigurado ang kapalaran ko doon kaysa
dito” wika ni Jun
“Iiwan mo si
Julia dito?” tanung ni Joshua
“May pera naman
ang pamilya niya, pang matrikula” sagot ni Jun
Enrolment na
para sa second sem at hanggang sa mga araw na iyon, naghahanap pa rin ng
mapapasukang trabaho si Joshua, subalit inaalat sa paghahanap ng trabaho si
Joshua.
Habang nakaupo
sa lamesa sa kanyang pinapasukang dormitoryo, walang makain at nagdadalawang
isip ng bumalik na lang ng probinsiya ng may biglang kumatok sa pintuan,
pinagbuksan niya ito at laking gulat niya na makita si Julia na pumunta sa
dormitoryo ng mga lalaki.
“Puwedeng
pumasok?” Pakiusap ni Julia, “A’ sige“ sagot ni Joshua, “Akala ko sasama ka na
sa pabalik sa probinsya, bakit nagpaiwan ka pa?” tanung ni Julia, napailing si
Joshua at sinabing, “uuwi na rin ako, hindi ko naman kayang pag-aralin ang
sarili ko, saka wala na akong makitang trabaho na puwede akong mag-aral ng
sabay.”
Napayuko si
Julia, tila nakonsensya sa mga nagawa niya dati kay Joshua kaya naman siya ang
umisip ng paraan upang makapag-enrol muli sa pangalawang semester si Joshua.
“E’ kung mag-try out ka kaya?” pangunguna ni Julia, napakunot si Joshua at tinanong si Julia, “try out, saan?”
Itutuloy...
Comments
Post a Comment