KWINTAS (SHORT STORY) - PART 3

 

“Bukas kasi, magkakaroon ng try out yung basketball team ng school natin, ilalaban yun sa UAAP, libre tuition, may monthly allowance saka sisikat ka pa! Diba gusto mo naman mag-basketball” wika ni Julia, “Huwag na lang siguro, baka masayang lang oras ko, saka hindi naman ako makakapasa dun, puro magagaling lang ang natatanggap” wika ni Joshua, “magaling ka kaya!” tila nadulas na sagot ni Julia, “siya nga pala” dagdag ni Julia, may iniabot siyang kanin at ulam sa binata, nung una ayaw pa itong tanggapin ni Joshua subalit dahil na rin sa gutom, kinuha niya rin ang dalawang supot ng pagkain at nagpasalamat siya rito.

               Habang nakahiga, iniisip niya pa rin si Julia kung bakit tila naging mabait ito sa kanya, at nagbigay ng pag-asa ang try out na paghahandaan niya kinabukasan.

               Pagtapak niya pa lang sa Gym, sinukat na agad ang height nito at doon niya pa lamang nalaman na 5’9 ang kanyang taas, at sinabi nitong pang point ang kanyang laro.

               Habang nasa try out, napag-usapan ng dalawang assistant coach si Joshua, “mukhang may future ang batang ito, siguradong pasok na siya sa team” wika ng unang assistant coach, “Oo, konting training lang at malayo ang mararating niya” ayon naman sa ikalawang assistant coach.

               Pinatawag ng coach si Joshua at sinabi nitong pasok na siya sa team, subalit kailangan niyang maghintay ng slot para sa team A, ang lalong nagpasaya kay Joshua ng sabihin ng coach na “100% ang scholarship mo rito, kailangan mo rin mag-maintain ng grades, pero kayang-kaya mo ‘yan, congratulations sayo”.

               Hindi maipaliwanag ni Joshua ang kanyang nararamdaman, napapangiti siya sa daan ng wala namang kasama dahil siguro na makakapag-enrol na siya, ayun naman ang importante sa kanya.

               Gabi-gabi na rin siyang nasa school para sa training at practice games para sa mga susunod na torneyong kanilang kakaharapin, kahit team B pa lamang si Joshua at todo effort siya sa paglalaro upang makamit ang team A at mapanatili ang kanyang scholarship.

              

               “Jamie, nakita mo ba ‘yung kwintas ko? Suot ko lang kanila ‘yun ‘e” tanung ni Janine sa kaibigan, “hindi e, saan mo ba inilagay?” Tanung naman ni Jamie sa kaibigan, “ang alam ko suot ko lang ‘yun kanina e” paliwanag naman ni Janine, “Hay nako, bumili ka na lang ng bago, ang dami mong pera para pag aksayahan ‘yan ng oras, tara na!” wika ni Jamie.

               Lumakad ang dalawa papasok ng classroom, napansin ni Jamie na hindi mapakali si Janine, “Iniisip mo pa rin ba yung kwintas?” tanung ni Jamie, agad naman sumagot si Janine at sinabing “bigay kasi ng Lolo ko ‘yun, hindi puwedeng mawala ‘yun, ang isang bagay, kapag ibinigay ng taong mahal mo, siguradong mahal mo na rin yung bagay na ‘yun” pagpapaliwanag ni Janine, “O siya, hanapin na lang natin mamaya after ng class natin dito sa Algebra na ‘to” wika ni Jamie.

 

               “Ano ‘to? Mukhang mamahalin ito ‘a,” tanung ni Joshua sa sarili pagkatapos niyang mapulot ang isang silver na kwintas, itinago niya muna ito dahil mahuhuli na siya sa klase.

               Pagkatapos ng klase, dumeretso na agad si Joshua sa lost and found upang isurrender ang kwintas.

               “Ma’am, may napulot po akong kwintas sa hallway ng building C, sana po maibalik sa may-ari, maraming salamat po” pakiusap ni Joshua sa nagbabantay sa lost and found, “sige, isasauli ko pag may nagtanung, anung oras mo pala ito napulot?” tanung ng babae, may biglang lumapit sa kanilang dalawang babae at nagtanung “Ma’am may nagsurrender ho ba ng kwintas dito?” tanung ni Jamie, “A, tamang-tama, kakasauli lang ni kuya nitong kwintas” sagot ng babae.

               Napangiti si Janine at nagpasalamat kay Joshua at nakipagkamay ito, subalit hindi nakipagkamay si Joshua at umalis na lang bigla.

               “Hala ang bastos naman ‘nun” sambit ni Jamie, “Okay na ‘yun at least isinauli niya itong kwintas ko, tara na nga” wika ni Janine na naging maaliwalas ang mukha pagkasauli ng kwintas.

 

               “Mabuti na lang talaga at naisauli pa itong kwintas ko, salamat talaga ‘dun sa lalaki, sayang hindi ko natanung pangalan niya” wika ni Janine kay Jamie habang naglalakad patungong canteen.


ITUTULOY...


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN