BAWANG, KING OF ALL RECIPES

 


Sa panahon ngayon, sa hindi malamang dahilan, napakamahal ng bawang, halos ginto na nga ito dahil sa ilang palengke, 15 pesos ang kada ulo nito at pumapatak na 250 pesos ang kada kilo.

               Alam niyo ba kung bakit tinatawag ng ilang eksperto sa pagkain na hari ng mga pagkain ang bawang? Dahil ito ay isang sangkap ng isang lutuin na nagtatanggal ng lansa sa pagkain at hindi lang ‘yun, nagbibigay din ito ng kakaibang aroma sa mga recipe.

               Ang bawang ay isang klase ng gulay na isang uri rin ng sibuyas na ginagamit na pangunahing sangkap sa pagluluto, isa rin itong halaman na ginagamit ng mga katutubo sa panggagamot tulad ng sa kagat ng aso at iba pa.

               Mapa-bigating ulam man o pang restaurant pa, hinding-hindi mawawala ang bawang lalo na sa mga ginisang lutuin, unang-una na nga ang ginisang gulay, tulad ng mga simpleng lutuin, ang ginisang gulay sa giniling na baboy at iba pa.

               Hindi naman magiging sinangag ang isang sinangag kung wala itong bawang, kaya nga tinawag itong garlic fried rice, o kahit simpleng fried rice lang ay nakasanayan na natin ang paglalagay ng bawang dito.

               Isa pang pangunahing recipe na bidang-bida ang bawang ay ang chili garlic sauce, sa pagkaing siomai at iba pa, pangunahing pampaanghang na ng buong baying ang chili garlic, mas epektibong pampagana kasi ito sa hapagkainan kesa sa siling labuyo, siyempre, hindi ito magiging chili garlic kung walang bawang.

               Upang makagawa ng chili garlic, igisa sa mantika ang bawang at hintayin lamang itong pumula, gupitin sa maliliit ang siling labuyo at isama na ito sa mapulang bawang, napakadali lang, may instant sawsawan ka pa.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN