Posts

Showing posts from January, 2018

ONLINE SELLING, PATOK NA PATOK (Tips)

Like, tweet, at share, ilan lang ang mga yan na madalas gamitin tuwing bubuksan natin ang ating mga Facebook, Twitter at Multiply account, kaya naman napaka-abala ng mga Pilipino sa mga Social Media na ito.             Dahil sa patok na patok na ito hindi lang sa mga pinoy, pinagkakakitaan na rin ito ng marami. Bakit hindi? Magpost ka lamang ng litrato sa facebook, itweet sa twitter at i-blog lamang sa multiply, talaga namang makikita ito ng buong sambayanan.             Tulad na lamang ng isang website na kung saan puwede kang magbenta o magbili, tiyak na may maghahanap, makikipag-usap at makikipag-deal. Maaari ring magbenta ng personal collections na ginagawa ng karamihan ngayon tulad ng bags, shoes, jewelleries, and clothes.             Totoong iba na ang panahon ngayon, isang click lang, maaari ng Makita ang gusto mo. Isang click lang, magkakapera ka na at isang click lang, magiging madali at magaan ang buhay ng lahat. Pero maraming masamang epekto ang teknolohiya, paalala l

Nilagang Baka Para sa Pamilya (Recipe)

Gusto niyo ban g masarap na ulam at paborito ng masa? Ang sagot diyan, Isa ang nilaga sa pinaka paboritong ulam ng pamilyang Pilipino, paano ba naman? Sa sahog at sabaw pa lang ng ulam na ito, talagang ulam na.                 Ang lutong bahay na ulam na ito ang palaging handa n gating hapag-kainan. Ngunit, marami pa ring mga nanay ang hindi makuha ang masarap at tamang timpla ng napaka-malinamnam na Nilagang Baka.                 Para sa tipikal na pamilya na may miyembro na hindi bababa sa anim, narito ang mga sangkap at paraan ng pagluluto nito. SANGKAP Isang kilong sariwang karne ng baka Dalawang tali ng petsay Baguio ¼ kilo ng repolyo Tatlong piraso ng saging na saba Isang matamis na mais ¼ na hiwa ng kalabasa Dalawang maliit na kamote Isang pulang sibuyas (Hatiin sa apat) ¼ na tasa ng patis Dalawang kutsara ng asin Betsin at paminta Apat na baso ng tubig Dalawang kalamansi at isang siling labuyo para sa masarap na sawsawan PARAAN NG PAGLULUTO

Pag-Ibig Sa Likod ng Mikropono (Short Story)

Pag-Ibig Sa Likod ng Mikropono             “Aawitan kita hanggang sa dulo ng ating pagmamahalan, pagmamahalang, di matutumbasan ng kahit ano man, pagmamahalang kagaya ng isang kanta ng lagi mong maririnig at makikita”             Magaling at sikat na singer si Mikaela, dahil sa kasikatan niya, nakukuha niya ang lahat ng kanyang gusto at luho maliban lamang sa pagmamahal ng isang lalaki na kayang tanggapin ang pagkatao niya.             Matalino at masiyahing tao si Rey, subalit ni minsa’y hindi niya pa nararanasang umibig dahil sa pagiging busy nito sa trabaho. Halos araw-araw na rin siyang kinakantyawan ng kanyang mga kaibigan na maghanap na ng babae at makakasama. Si Rey ay nasa late 20s na kaya naman lagi siyang hinahanapan ng kanyang mga kaibigan sa mga bar at nagse-set pa ng blind dates.                         Nagyaya ang mga kaibigan ni Rey na manood ng concert ni Mikaela. Tinatanong ni Rey sa kanyang mga kaibigan kung sino ang kanilang panonoorin. “Ano? Hindi m

Tips, Recipes, Short Stories and many more!!!

Hi folks, starting tomorrow, I will add contents in this particular blog. Regards with the Filipino tips such as health tips, pangkabuhayan tips, beauty tips and Pinoy recipes. I will also include short stories (by parts) and most of all business tips. At syempre, hindi mawawala ang mga kalokohan but in a good way naman. Kwento lang and many more. And also, my other 3 blogs will still remain the same. No changes for the chosen one, movie reviews and poetry. Dito lang talaga and I want improvements also, so I need your cooperation and help also. Thank you guys. I know, I don't have followers but of course this will be for my viewers and readers. I hope everyone will like my future post. And also, I hope Adsense will approve my application for ads. Please. Even for the smallest ads and smallest pay, I'll accept it. Hehe.

Stocks (part 2)

Gusto ko talagang matuto about stocks. I started trading, nope, I mean, I start buying stocks. Esp. Megaworld and Cemex. Planning to add to Megaworld as investments na rin siguro. Hoping to learn more about this business. At least makakatulong ako sa ekonomiya ng Pilipinas. Haha.

STOCKS

Yeah, I am a newbie in terms of stocks (PSE) but I tried naman, but for the first time, tingin ko lugi ako. I bought 300 lots of a 5.250 company at ang changes nya ay naglalaro lang sa +0.0200 minsan negative pa. tataas pa kaya sya ng bongga? Sabagay isang linggo ko pa lang naman siya mino-monitor so sana tumaas pa talaga.

HAPPY NEW YEAR

Dahil galing tayo sa matinding bakasyon, ngayon lang ulit ako nakabalik sa pagbloblog. At infairness mukhang wala namang nangyare sa 2017 ko, nagkaroon lang ako ng mga sakit at karamdaman, first time maoperahan, first time maincrease ng sahod at higit sa lahat, first time masaktan. ooooppps. First time magmahal at masaktan sa loob lamang ng isang taon. Feeling ko napakalungkot ng year 2017 ko kaya ang ginawa ko nu'ng new year's eve ay MATULOG! Pero sinimulan ko naman ng masaya at may ngiti ang January 1 ko. Huhuhuhohohohohihihihehehehahaha