Kung sasakyan ang pag-uusapan, napakaraming aspeto ang kailangan mong malaman tungkol dito, nariyan ang history nito, ang pinagmulan, ang mga parte at mga klase nito, kung pang-pribado o pang-publiko, modelo o ang kulay nito, at siyempre, ang isang importanteng aspeto tungkol sa sasakyan ay ang makina nito mismo. Kotse ang pinaka-unang papasok sa ating isipan sa tuwing pag-uusapan ang sasakyan, ayon nga sa depinisyon ng pinaka-sikat na diksyonaryo online na Wikipedia, Ang kotse ay isang de-makinang sasakyan na may mga gulong, kayang umandar sa sarili na ginagamit para sa transportasyon. Tama, makina ang pangunahing dahilan upang ito ay mapaandar, subalit ano-ano nga ba ang mga uri ng makina na puwede sa iyong sasakyan? Ayon sa isang website na nagtatalakay tungkol sa mga sasakyan, mayroong limang klase ng makina o engine sa ingles na karaniwang makikita sa ating mga sasakyan sa panahon ngayon. Una ay ang straight engine, mas magaan, mas maliit at karaniwang ginagamit sa mal
Comments
Post a Comment