Nilagang Baka Para sa Pamilya (Recipe)
Gusto niyo ban g masarap na ulam at paborito ng masa?
Ang sagot diyan, Isa ang nilaga sa pinaka paboritong ulam ng pamilyang
Pilipino, paano ba naman? Sa sahog at sabaw pa lang ng ulam na ito, talagang
ulam na.
Ang
lutong bahay na ulam na ito ang palaging handa n gating hapag-kainan. Ngunit,
marami pa ring mga nanay ang hindi makuha ang masarap at tamang timpla ng
napaka-malinamnam na Nilagang Baka.
Para
sa tipikal na pamilya na may miyembro na hindi bababa sa anim, narito ang mga
sangkap at paraan ng pagluluto nito.
SANGKAP
Isang kilong sariwang karne ng baka
Dalawang tali ng petsay Baguio
¼ kilo ng repolyo
Tatlong piraso ng saging na saba
Isang matamis na mais
¼ na hiwa ng kalabasa
Dalawang maliit na kamote
Isang pulang sibuyas (Hatiin sa apat)
¼ na tasa ng patis
Dalawang kutsara ng asin
Betsin at paminta
Apat na baso ng tubig
Dalawang kalamansi at isang siling labuyo para sa
masarap na sawsawan
PARAAN NG PAGLULUTO
Una: Pakuluan sa kulang isang oras ang sariwang baka.
Habang nagpapakulo, balatan ang kalabasa at kamote at hiwain na rin sa walo ang
mais (kung ito ay malaki) at isabay ito sa pinakukuluang baka.
Pangalawa: Pagkaraan ng isang oras, tingnan kung
malambot na ang karne ng baka (kapag malambot na), ilagay ang gulay na petsay
baguio, repolyo, sibuyas at saging na saba.
Pangatlo: Timplahan ito ng patis, asin, betsin at
paminta at pakuluan muli ito sa loob ng tatlumpung Segundo.
O
diba? Napakadali lang lutuin ng paboritong ulam na pwedeng pwede ng ihain sa
buong pamilya.
Comments
Post a Comment