ONLINE SELLING, PATOK NA PATOK (Tips)

Like, tweet, at share, ilan lang ang mga yan na madalas gamitin tuwing bubuksan natin ang ating mga Facebook, Twitter at Multiply account, kaya naman napaka-abala ng mga Pilipino sa mga Social Media na ito.
            Dahil sa patok na patok na ito hindi lang sa mga pinoy, pinagkakakitaan na rin ito ng marami. Bakit hindi? Magpost ka lamang ng litrato sa facebook, itweet sa twitter at i-blog lamang sa multiply, talaga namang makikita ito ng buong sambayanan.
            Tulad na lamang ng isang website na kung saan puwede kang magbenta o magbili, tiyak na may maghahanap, makikipag-usap at makikipag-deal. Maaari ring magbenta ng personal collections na ginagawa ng karamihan ngayon tulad ng bags, shoes, jewelleries, and clothes.
            Totoong iba na ang panahon ngayon, isang click lang, maaari ng Makita ang gusto mo. Isang click lang, magkakapera ka na at isang click lang, magiging madali at magaan ang buhay ng lahat. Pero maraming masamang epekto ang teknolohiya, paalala lang din na maaari kang maloko rito, maraming nananamantala.

            Online, maaari kang kumita sa tamang paraan, mag negosyo ng hindi napapagod at nag-eenjoy sa lahat ng ginagawa dahil sa huli, nagwawagi ang gumagawa ng tama.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN