Pag-Ibig Sa Likod ng Mikropono (Short Story)

Pag-Ibig Sa Likod ng Mikropono

            “Aawitan kita hanggang sa dulo ng ating pagmamahalan, pagmamahalang, di matutumbasan ng kahit ano man, pagmamahalang kagaya ng isang kanta ng lagi mong maririnig at makikita”

            Magaling at sikat na singer si Mikaela, dahil sa kasikatan niya, nakukuha niya ang lahat ng kanyang gusto at luho maliban lamang sa pagmamahal ng isang lalaki na kayang tanggapin ang pagkatao niya.

            Matalino at masiyahing tao si Rey, subalit ni minsa’y hindi niya pa nararanasang umibig dahil sa pagiging busy nito sa trabaho. Halos araw-araw na rin siyang kinakantyawan ng kanyang mga kaibigan na maghanap na ng babae at makakasama. Si Rey ay nasa late 20s na kaya naman lagi siyang hinahanapan ng kanyang mga kaibigan sa mga bar at nagse-set pa ng blind dates.
           
            Nagyaya ang mga kaibigan ni Rey na manood ng concert ni Mikaela. Tinatanong ni Rey sa kanyang mga kaibigan kung sino ang kanilang panonoorin. “Ano? Hindi mo kilala si Mikaela? Pre, sikat na sikat yan” – Ani ng kanyang kaibigan

            Nag-aayos na si Mikaela para sa kanyang konsyerto at makalipas lamang ang isang oras ay magsisimula na ito. Natulala si Karl kay Mikaela lalo na ng awitin ni Mikaela ang sarili niyang komposisyon na may linyang “Tumatanda ka na, Kailangan mo na ng tunay na pagmamahal”. Napangiti na lang si Rey at napailing ito.

            Nang matapos ang konsyerto, hindi nasiyahan si Rey at sinabi ito sa mga kaibigan na panget ang pagtatanghal. Ngunit, hindi alam ni Rey na may balak na pala ang kanyang mga kaibigan na ipakilala sa kanya si Mikaela. Nagulat na lamang si Rey ng ipakilala si Mikaela sa kanya, “Hi” – Sambit ni Rey “Hello” Sagot naman ni Mikaela. Nagmamadali si Mikaela kaya naman agad itong nagpaalam subalit siya’y pinigilan ni Rey at nagyayang magdinner, napagiti si Mikaela. Sa isip niya ay kinikilig na siya at pagkakataon na niyang makahanap ng iibigin. Kaya naman pumayag na si Mikaela at sumama na it okay Rey upang kumain sa labas.
           
            Sa katagalan, nagkagaanan ng loob ang dalawa at naging mag-on at naging mabulaklak ang kanilang pagmamahalan. Sobrang saya nila sa isa’t isa at napakalambing nila pareho.
           
            Habang kumakanta si Mikaela sa isang bar, biglang sumingit sa Rey sa kalagitnaan ng pagtatanghal at nagbigay ng pahayag sa stage. “Ako si Rey, mahal na mahal ko si Mikaela at ipagsisigawan koi to sa buong mungdo” Nagulat at nagtinginan ang mga manonood at nag-walk out naman si Mikaela na halata sa kanyang mukha ang pagka-shock.

            Pagdating sa backstage, sinampal ni Mikaela si Rey dahil hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasasabi ni Rey. “Bakit? Ayaw mo bang malaman iyon ng mga tao?” – Sabi ni Rey, biglang napaluha si Mikaela at sinabing “Oo!, dahil ayokong malaos” umiling si Rey at bigla na lamang itong umalis.

            Matapos ang isang buwan, di na nagkikita ang dalawa. Pero labis na nasasaktan si Mikaela kaya sa isang gig niya sa bare, inawit nito ang kantang “minsan lang kita iibigin”. Hinggil sa kaalaman ni Mikaela, nanonood si Rey at pinapakinggan niya ang magandang tinig ni Mikaela.

            Napaluha si Rey ng marinig niya sa kanta ang linyang “Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan dahil ang minsan ay magpakailanman”. Umalis si Rey ngunit may narinig siyang tinig “I Love You Rey, I Miss You” Napatigil at napaluha si Rey at lumapit sa entablado, nagulat si Mikaela kaya naman inulit nya ang kanyang sinabi.
           

            Naghiyawan ang mga tao nang magyakap ang dalawa sa gitna ng entablado “I Love You Mika, I Love You So Much”. Sa pagtatapos ng show, inawit ng dalawa ang katang “You Are The One”.


*Note: this was published at Pilipino Mirror by line: Jericho Paul De Guzman

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN