Pilipino, Italyano, Amerikano, Latino, Asyano at iba pa, talaga namang katakam-takam ang pagkaing ito lalong-lalo na sa mga tsikiting. Paano ba naman? Simpleng handaan o espesyal na okasyon man tulad ng kasalan, kaarawan, debu, binyag at iba pa, hindi mawawala ang spaghetti sa handaan ng mga Pinoy. Kung ang bersyon ng spaghetti ng mga Italyano ay maasim at pinaghahandaan sa presentasyon, ang bersyon naman ng mga Pilipino ay matamis, sadyang mahilig kasi ang mga Pinoy sa mga matatamis na pagkain, kaya naman naisip ng mga madiskarteng Pilipino na lagyan ng asukal ang sarili nating luto ng spaghetti. May mga lumalabas na nga ring Pinoy Spaghetti na nasa sachet o ang tinatawag na instant spaghetti (bersyon ng instant noodles / Lucky me) dahil ito sa sobrang pagkahilig nating mga Pilipino sa pagkaing ito. Isa sa mga haka-haka, kuro-kuro at kasabihan...
Comments
Post a Comment