BOOKSALE, TIYAK NA MAPAKIKINABANGAN!
BOOKSALE, TIYAK NA MAPAKIKINABANGAN! Ni: Jericho Paul De Guzman Pasukan na naman, kaya ang mga mommy, hirap na hirap kung saan kukuha ng pang-matrikula makapag-enrol lamang si kuya at si ate, ang problema, pagdating sa eskuwelahan, hindi lamang pang-matrikula ang aalalahanin ng ating mga magulang, gayundin ang mga gagamitin upang lalong mahasa an gating mga kaalaman. Wala nan gang bumababang presyo, nakarinig ba kayo nang tuition decrease? Siyempre hindi, dahil tuwing paparating ang pasukan, laman ng balita ang sari-saring kilos protesta laban sa pagtaas ng matrikula. Kaya upang makatulong, bukod sa mga mumurahing school supply na mabibili sa mga sikat na palengke tulad ng Divisoria, Baclaran at Quiapo, tiyak na nakakatulong sa mga estudyante at mga nana yang murang libro na mabibili sa mga mapagkakatiwalaang booksale. Ito ay ang mga second hand o mga gamit ng libro na maibebenta pa sa mas murang halaga, halimbawa, ang