COVID-19 BREAKOUT

Napaka-stressful nang nagdaang linggo na ito para sa akin, sobra, lalo na ng maging PUI ako dahil mayroong nag-positive sa opisina namin. Ang masaklap ay hindi ko lang sya basta officemate kundi room-mate ko pa, room-mate in a sense na magkasama sa room at hindi namin choice or wala kaming choice kung sino ang makakasama sa kwarto dahil stay-in workers kami. Sa Department namin, mayroong apat na team, nasa 23 kami sa department namin na naka stay-in sa office at sa room kung saan kami natutulog ay anim kami.


Nitong Lunes, normal na araw, walang tensyon, usual work, wala as in kung paano kami simula nung bumalik kami ng office since lockdown (ECQ) noong nakaraang taon ay ganun na kami, pasok every Mondays uuwi every Fridays, maayos ding sinusunod ang safety and health protocols sa opisina. Strick sila sa wearing ng mask, naka-one seat apart kami at bawal kumain ng sabay. Bawal din kami lumabas ng vicinity ng aming building dahil stay in kami. 

Martes, umaga pagkasiging, normal na maaga kami gumigising sa opisina upang maglista sa shower room (Pila kasi). Bukos sa amin na 23 na same department, mayroon pang higit sampong empleyado sa kabilang side ng floor namin na under din ng department namin pero hindi totally ka-department dahil mayroon silang sariling boss at iba ang desisyon at rules and regulation nila sa amin. Itong si case #8, ganito tawag kasi ang tawag sa company namin na mayroon 3 areas na malalaki. Oo malaki yung kumpanya na pinapasukan namin. Ayun na nga, si case #8, kasama ko sya sa kwarto, isa sya sa limang kasama ko sa kwarto, puro kami lalaki sa kwarto. Martes ng umaga, nanghihingi na sya ng gamot kung kani-kanino dahil nahihilo at masakit na rin ang ulo nya, inuubo na rin sya. Nu'ng araw na rin na yun, sinasabihan na sya ng mga ka-team nya na 'wag ng lumapit sa kanya at ang masaklap pa, tinatanggal umano nito ang mask sa tuwing babahing.

Miyerkules, sinasabihan na namin sya na ireport na sa mga boss ang ubo nya dahil naririnig na nga namin lahat at nakababahala na ito. Subalit, hindi nya ito sineseryoso, sa tingin nya hindi ito covid dahil malakas naman sya. Nang gabi na rin na yun, tinanong niya ako kung pauuwiin ba sya pag sinabi nya sa mga boss na may ubo or kung mayroon siyang ni isang sintomas? Sabi ko depende, at tinanong ko sya, anong ubo ba ang meron ka, ang sabi nya dry cough, so kaming tatlo na andun sa kwarto bukod pa sa kanya ay natahimik at hindi na nagsalita nang sinabi niyang mayroon syang dry cough. Pero hindi pa rin niya ito nireport sa mga boss at management.

Huwebes, hindi na mapakali yung mga ka-teammates nya (buti nalang hindi ko sya ka-team) na panay ubo at panay ang lapit pa sa kanila, panay tanggal pa ng mask. Kaya tinakot nila na isusumbong na sya sa mga boss, kaya ng ginawa raw ni case # 8 ay inunahan nya ang mga ka-team nya at inereport agad ito sa kanyang Supervisor at Manager. Kaya inisolate na sya at hinanapan ng bakanteng kwarto para dun muna maglagi habang hinihintay ang desisyon ng management. Tanghali ng parehong araw, tinawagan na sya ng Manager nya na kailangan na magpa-swab at susunduin na sya ng ambulansya, kaya sinabi nya samin na mga andun na need din namin mag-isolate na ikinagalit ng guard in charge sa amin dahil wala naman syang memo na natatanggap na need mag-isolate ng mga tao roon.

Ito na, sobrang kabado ko na po, dahil kapag nagpositive sya, for sure close contact ako dahil room mate ko sya, inisip ko na agad yung nanay at tatay ko na parehong seniors, yung kapatid ko sa bahay at yung mga pamangkin ko na maliliit pa. Nagmeeting kami at ayun na nga ang sinabi na hihintayin namin ang resulta ng swab test ni case #8. Ang maganda naman, sa na-identify as close contact (10 kami), wala ni isang nakikitaan ng sintomas, although pwede pa rin nating isipin na mayroong mga asymptomatic cases kung saan positive sa SARS-CoV 2 ngunit walang nararamdaman na kahit anong sintomas. Sa totoo lang nung mga araw na yun, nararamdaman kong medyo kumakati ang aking lalamunan kaya nagpanic na ako ng todo. 

Biyernes, umaga nabalitaan namin na nagpaswab test na sya at maghihintay nalang sya ng resulta, bago mag 4pm, ito na sobrang kaba na namin dahil nararamdaman na namin na mayroon n asyang resulta subalit kampante pa kaming 10 na wala dahil lahat kami ay walang sintomas at yung dalawa sa amin na sampu ay nakuha pang umuwi nitong Huwebes, oo umuwk sila, yung isa dahil uuwi sa Bicol at yung isa naman ay dahil mag aayos daw ng papers. So ito na nga, saktong 4pm ay tumawag ang HR handling covid related concerns sa isa sa mga close contacts, at sinabi nito na need na nya mag isolate at for swabbing na rin sya dahil positive si covid si case # 8. Hangga't isa-isa na kaming tinawagan, 4:07PM ay tinawagan na ako ng HR at need ko naraw agad pumunta sa kanilang Quarantine Facility sa ibaba ng building at for swabbing na kami kinabukasan. Sobrang kabado namin, tinawagan ko na agad ang mga dapat tawagan, nanay, ate ko, yung bunso namin at yung best friend ko na 14 years ang tanda nya sa akin. Kinocomfort nila ako except sa nanay ko na ako ang nagcocomfort sa kanya. 

Nung araw na rin na yun, dinala kami sa isang hotel, infairness, maganda at malaki ang hotel at very friendly ang itsura pero nakakaburyo dahil wala kang makakasama sa kwarto kung hindi ikaw lang, oo ikaw lang dahil isolation hotel iyon. So ako naghahanap ako ng makakausap, gumawa ako ng group chat namin na mga close contact, pero 7 lang kami dun at sinali namin yung HR personnel na nag-aasikaso samin para kung may update man ay maibalita nya agad sa lahat. May dalawang hindi kasali sa GC, yung isa roon ay yung umuwi nung Huwebes upang mag-ayos ng papers ng wedding, yung isa naman ay dahil sa hindi namin close. Ang ika-sampung close contact naman ay nakauwi na ng Bicol at hindi na nakasali sa mga for swabbing (naka-quarantine naman sya dun). 

Sabado, ito na ang swabbing day, 7am ay susunduin kami sa hotel upang dalhin sa Hospital kung saan gagawin ang swab testing, bago pa man ay nag-exercise ako at nagpapawis, kumain ng prutas at uminom ng vitamins. Saktong 8Am ay nakarating na kami sa venue, nagfill-up ng forms at ininterview at ayun na nga, sinundot na ang lalamunan at ang ilong. Sa totoo lang di ako nasaktan, pag labas ko ay sinabihan ko na agad ang ibang kasama namin na hindi naman masakit kaya wag silang kabahan, pero yung isang kasunod ko na kasama namin lumabas ng kwarto at umiiyak, sobrang sakit daw. Kaya yung mga susunod na iswaswab na-tense na naman.

After ng swab testing, ibinalik kami sa hotel upang maghintay ng resulta, ilang oras na paghihintay na nanginginig ako, naiiyak, sobrang nerbyos, ayun ang pinaka- matagal na 10 hours sa talambuhay ko, iniisip ko paano kung magpositive, paano kung dalhin ako sa LGU namin at basher ako nu'n. Ano na lang ang magiging tingin sa akin ng mga tao, alam ko kung paano ang mga dinanas na descrimination ng mga nagpopositive sa naturang sakit. Kaya sobrang nakakaparanoid ang mga nangyari.

Sabado, 6PM, nagchachat chat na kami sa GC na ang tagal ng resulta ng biglang sumali yung taga HR na mag aannounce ng result samin, ang sabi nya "may mga access ba kayo sa company email niyo? Para ma-email ko amg mga resulta" Edi lahat kami kabado, nang bigla nya rin sinundan ang chat nya ng "pero lahat ng andito sa GC ay negative" doon na kami naghiyawan sa tuwa. Pero mayroon akong kutob para dun sa dalawang hindi kasali sa GC namin dahil ang sabi nya sa chat ay "pero lahat ng andito sa GC ay negative" so may possibility na mayroong nagpositive dun sa dalawang hindi kasali sa GC. By the way sa sobrang saya ko, ipinangalandakan ko na sa lahat ng nakacontact ko nung mga araw na yun na negative ako, sa pamilya at sa bestfriend ko.

Maya-maya ay nag-email ang HR for announcement, stating "We've learned today that an employee case # 9 who works (in our building/in our floor), a close contact, tested positive for Covid-19" at dun nagulantang na naman ako, yung dalawang hindi kasali sa GC ay kasama rin namin sa kwarto sa office at yung dalawang hindi kasali sa GC ay kasabay ko sa shuttle papuntang swab testing facility. Shocks, grabe another contaxt tracing na naman sa office. At ito na nga, napag alaman din namin na hindi nakuha ni case # 9 ang virus kay case # 8 dahil nagpositive rin ang fiancé nya sa Covid.

Ngayon, mayroon pang mga nagpopositive kaya mabuti na magdasal at magdasal at magdasal, sana matapos na ito at maging mapayapa na ang lahat.


*ECDC

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN