BOOKSALE, TIYAK NA MAPAKIKINABANGAN!

 

BOOKSALE, TIYAK NA MAPAKIKINABANGAN!

Ni: Jericho Paul De Guzman

              Pasukan na naman, kaya ang mga mommy, hirap na hirap kung saan kukuha ng pang-matrikula makapag-enrol lamang si kuya at si ate, ang problema, pagdating sa eskuwelahan, hindi lamang pang-matrikula ang aalalahanin ng ating mga magulang, gayundin ang mga gagamitin upang lalong mahasa an gating mga kaalaman.

              Wala nan gang bumababang presyo, nakarinig ba kayo nang tuition decrease? Siyempre hindi, dahil tuwing paparating ang pasukan, laman ng balita ang sari-saring kilos protesta laban sa pagtaas ng matrikula.

              Kaya upang makatulong, bukod sa mga mumurahing school supply na mabibili sa mga sikat na palengke tulad ng Divisoria, Baclaran at Quiapo, tiyak na nakakatulong sa mga estudyante at mga nana yang murang libro na mabibili sa mga mapagkakatiwalaang booksale.

              Ito ay ang mga second hand o mga gamit ng libro na maibebenta pa sa mas murang halaga, halimbawa, ang isang textbook tungkol sa algebra, mabibili sa leading store o kaya sa mismong eskuwelahan ng limangdaan, bago at mainit pa, mabibili naman ito ng kalahati sa presyo kung ito’y bibilhin sa booksale.

              Maraming booksale na matatagpuan, bukod sa napakatanyag na Recto ave., nagkalat din ito sa mga tyangge at kahit sa mga sikat na mall pa.

              Kung ikaw naman ay isang indibidwal na nangangailangan ng extra money at hindi mo naman na kakailanganin ang mga librong nagamit na, maaari rin itong ibenta ng mas mura sa mga incoming freshman, o diba? Nagkapera ka na, nakatulong ka pa.


              Pero kung may sentimental value naman ang mga libro sa iyo at ayaw mo itong ibenta, maaari naman itong iparenta, good for 1 semester sa mas mura ring halaga.

              Bukod sa mga textbook, marami rin ang mga nahuhumaling sa mga librong walang kinalaman sa pag-aaral ng tao, nariyan ang mga nobelang may tema na romance, sci-fi, comedy, drama, at napakarami pang iba.

              Ang libro ay isang bagay lamang, pero ang bagay na ito ay ang tumutulong sa bawat indibidwwal upang mahasa ang kanilang kakayahan, intekwal at abilidad sa anumang bagay.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN