KWINTAS (SHORT STORY) - PART 6

 

Habang lumabas ang professor, tinawag ni Jamie si Janine at sinabing “Janine, dito ka na nga umupo, wala ka namang katabi diyan” napaisip si Janine at sumagot kay Jamie “sige na nga” lumipat muli ng upuan si Janine sa tabi ng kanyang kaibigan na katabi naman si Jake.

              Pagkalipat na pagkalipat ni Janine, saka naman sabay dumating sina Julia at Joshua.

              “Sorry sir were late” wika ni Julia

              “Okay take a sit” sagot ni Mr. Angeles

              Nagulat at medyo nagselos si Janine, subalit hinayaan niya na lang ito, hindi niya alam kung bakit niya gusto si Joshua pero iba talaga ang nararamdaman niya una pa lamang niya itong nakita.

After ng klase, umalis agad si Julia dahil may aayusin ito sa registrar, kaya naiwan muli si Joshua sa garden at maghihintay ng oras para sa training sa basketball, ng makita niya si Janine na paupo na rin sa pinakadulo ng garden, agad niya itong nilapitan at kinausap.

              “Hi” bati ni Joshua, halata naman na nagulat si Janine sa pagbati ni Joshua sa kanya, “may klase ka pa?” tanung ni Joshua “A’ wala na, hihintayin ko na lang si Jamie pauwi” sagot ni Janine.

              “E ikaw? Hihintayin mo ‘yun girlfriend mo?” tanung ni Janine, nagulat naman si Joashua sa tanung ni Janine at sinabing “Girlfriend? Wala pa akong girlfriend” biglang umaliwalas ang mukha at tinanong kung bakit “mas inuuna ko kasing makipagbasag ulo at makipagsapakan samin kaya hindi ako nagkaka-girlfriend, natatakot siguro sa akin” sagot ni Joshua.

              “Basag ulo talaga? nakakatakot ka pala, pero hindi naman halata” wika ni Janine, “minsan kasi, ang ugali ng isang tao, hindi masusukat sa kung ano ang ipinapakita niya, nasusukat talaga ito sa kung ano ang nasa puso niya” dagdag pa ni Janine.

              “Talaga?” sagot ni Joshua, “E, ano tingin mo sa akin, mabait ba ako?” dagdag ni Joshua, “Ayana ng hindi ko masasagot” wika ni Janine sabay ngiti sa tabi.

               

              Lumipas ang isang semester, naging close sa isa’t-isa sina Janine at Joshua at lalong lumalalim ang kanilang samahan subalit hindi alam ni Janine na isang varsity player si Joshua sa kanilang unibersidad. Naging magkaklase silang dalawa kabilang ang kaibigan ni Janine na si Jamie at ang campus heartthrob na si Jake, ganun din ang kaibigan ni Joshua na si Julia. Nagkataong opening day ng UAAP, required sila sa PE na mag-cheer at manood ng unang laro ng unibersidad na gaganapin sa Araneta Collesium. Dahil varsity player si Joshua, exempted siya sa pag-attend ng PE subalit pinapasukan niya pa rin ito upang lalong may matutunan, sa kanilang magkakaklase, si Julia lamang ang nakakaalam na basketball player si Joshua at hindi nila ito ipinagsasabi upang hindi maapektuhan ang pag aaral ni Joshua.

              “Sa linggo na ang laban ng team, siguradong malalaman na ng lahat na player ka ‘dun, dapat kasi hindi ka na nagpateam A, kahit team B lang, at least tuloy-tuloy ang scholarship mo” wika ni Julia sa kaibigan na si Joshua.

              “A’ okay lang ‘yun, matagal ko na ring hinihintay ang pagkakataong maging sikat na basketbolista sa bansa, mukhang malapit ko na ‘yun marating” sagot ni Joshua

              Sumapit na ang araw na pinakahinihintay ni Joshua, ang kanyang first game sa UAAP at umaasa siyang makikilala na siya ng buong Pilipinas sa pamamagitan nito.

              “Julia, nasaan ba si Joshua?” tanung ni Jamie kay Julia na kasama naman si Janine

              “Oo nga, akala ko kasama siya” tanung naman ni Janine

              “Oo kasama siya, nandito lang ‘yun, makikita niyo rin siya mamaya” sagot ni Julia

 

              Nagulat at nagtaka silang lahat na magkaklase ng tawagin ang pangalan ni Joshua bilang starter ng team, gulat na gulat ang lahat, maliban kay Julia na alam na ang lahat subalit na-excite naman para sa kaibigan.

              Unang dalawang quarter pa lamang ng laro ay nagkaroon na ng 25 na puntos si Joshua upang malamangan ng dalawangpu ang kalaban hanggang sa Manalo ito at siya ang naging best player na may 40 na puntos.

 

              Kinagabihan, hindi makatulog si Janine sa nakita, at hanggang sa mga oras na iyon ay gulat na gulat pa rin siya, kaya naman agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang itext si Joahua subalit may nakita na agad siyang message mula rito. Binasa niya ito at ang nilalalaman nito ay “sorry, hindi ko agad sinabi sa inyo, ayoko kasing maapektuhan ang pag-aaral ko, mas priority ko kasi ‘yun, pero sana hindi ka na magalit sa akin”

Itutuloy...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN