ANG LUGAW, BOW! (ESSENTIAL FOOD)





               It’s official! Tag-ulan na, kaya naman ilabas na ang payong at kapote tuwing lalabas ng bahay, at siyempre, huwag na huwag kakalimutang mag-almusal, isa sa mga patok na almusal tuwing tag-ulan ay ang mainit na lugaw na samahan pa ng sari-saring sahog nito.

               May iba’t-ibang tawag din dito, subalit ang pagkakapareho, ay ang paggamit ng bigas na siyang pangunahing sangkap nito.

               Subalit, ano ba ang nagpapasarap sa lugaw kung bakit paborito ito ng mga Pilipino, pang almusal o meryenda man, may sakit o wala, talaga namang tinatangkilik ito, ayon sa ilang nagtitinda ng lugaw, ang luya at ang tamang init ang siyang nagpapasarap nito.

               Marami ring inilalagay na sahog dito na talagang nagpapalasa, tulad ng karne ng manok o minsan ay adidas o ‘yung paa ng manok, nilalagyan din ito ng ilang lamang loob tulad ng dugo at iba.

               Siyempre, perfect ang lugaw kung may tokwa o kaya naman ay ang lumpiang toge at napakasarap na suka nito.

               Napakaraming sangkap ng lugaw upang ma-achieve ang perfect nitong lasa at once in a lifetime na sarap ng lugaw o goto kung tawagin ng iba.

               Ang mga sangkap nito ay ang mga sumusunod: bigas, tubig, luya, bawang, sibuyas, adidas o paa ng manok, dugo ng manok, nilagang itlog, tokwa, suka, toyo, kalamansi, paminta, asin, sang, piniritong bawang, patis, kasuba at mantika

PARAAN NG PAGLUTO

               Isaing ang bigas at hintayin itong kumulo ng kumulo.

               Habang nagsasaing, igisa ang bawang, sibuyas at luya sa mantika.

               Ilagay ang mga karne tulad ng adidas at dugo ng manok at igisa itong mabuti.

               Kung ito’y naigisa na at kulong-kulo na rin ang bigas, isama ang mga ginisang sangkap dito at haluin lamang hanggang pumantay ang kulay.

               Lagyan ng pampalasa tulad ng asin at paminta.

               Kung ito’y luto na, ilagay ang kasuba at sang o ang dahon ng sibuyas.

               Iprito ang tokwa at saka gumawa ng suka para sa sawsawan nito.

               Hayan, luto na ang pampainit ng tag-ulan, pigaan ng kalamansi sa ibabaw at siguradong perfect na ang lugaw na inaasam-asam.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN