KWINTAS (SHORT STORY) - PART 7


 

Agad naman nagreply si Janine dito “hindi ako nagalit, nagulat lang ako na napakagaling mo palang maglaro, sana man lang sinabi mo para nakapagpaggawa pa ako ng banner. Haha”

               “Teka, gabi na a’, bakit hindi ka pa rin natutulog?” tanung ni Joshua

               Napaisip naman si Janine sa tanung ni Joshua at sinagot ito “Iniisip kasi kita kaya hindi ako makatulog”

               Lumalim na ang gabi at hindi na nagreply si Joshua subalit hindi pa rin nakakatulog si Janine.

 

               Kinabukasan, tila instant celebrity si Joshua sa dami ng nagpapapicture habang kasama si Julia, at kinausap siya nito.

               “Saglit nga Joshua, kausapin muna kita” utos ni Julia sa kanya

               “O’ bakit? May problema ba?” tanung ni Joshua

               “E’ kasi sobrang sikat mo na, baka mapabayaan mo na ang pag-aaral mo, baka matanggal ka sa pagiging deans’ lister niyan” wika ni Julia

                “Kilala mo naman ako, hangga’t maaari, mas uunahain ko ang pag-aaral, saka ‘wag kang mag-alala, dahil magkukumpetensiya pa rin tayo” biro ni Joshua

               “Hindi naman na ako nakikipagkumpetensiya sayo, napagtanto ko kasi na mas matalino ka talaga, nahiya naman ako sa pagiging number 1 sa course natin at pang anim lang ako” sambit ni Julia

               “Alam mo, hindi batayan ang grades sa pag-unlad ng isang tao, sabi nga nila, grades are just numbers, hindi mo dapat ipepressure ang sarili mo dahil ang college at pag-aaral ay hindi isang pressure cooker, nag-aaral tayo para sa sarili natin, sa buhay natin at hindi dahil sa degree o medal na makukuha mo” wika ni Joshua

               “Naku nagdrama ka na, para ‘yun lang sinabi ko e’, alam mo, napagtanto ko rin, napakabait mo, sana hindi ka magbago kahit sumikat ka na ha” sambit ni Julia

               “Ikaw lang naman ang hindi mabait sa akin, lalo na nung high school, sa akin ka lang naman ganun e’, bakit kila Jun hindi naman” wika ni Joshua

               “Crush kasi kita” nadulas na sambit ni Julia, “Ay hindi-hindi, e kasi sa pagiging top 2 ko lang palagi” dagdag pa nito.

               Tila napatigil si Joshua nung marinig niya ang mga katagang iyon, “bakit ngayon mo lang sinabi ang bagay na yan?” tanung ni Joshua

               “Ang alin, sa pagiging top 2?” balik tanung ni Julia

               “Na-crush mo ako, dapata dati pa lang sinabi mo na, dahil dati pa lang gusto na kita” wika ni Joshua

               Hindi na nakasagot si Julia at nag walkout na lamang ito dahil sa hiyang naramdaman niya, dumeretso siya sa CR at iniwan si Joshua sa kantina.

               Bigla namang dumating si Janine kung saan naroroon si Joshua, nilapitan niya ito at inalok ng pagkain, at dito ikwinento ni Joshua ang buong buhay niya.

               “Alam mo, nung una tayong nagkausap, nadisappoint agad ako sayo” wika ni Joshua

               “Ha? Bakit naman?” tila malungkot na bigkas ni Janine

               “Isa kasi akong magsasaka sa probinsya, actually hindi lang ako, buong pamilya ko, nagpursigido akong mag-aral para mapatunayan ko sa sarili ko na maiaahon ko ang buhay naming mag-anak, kaya ng marinig ko ang mga sinabi mo tungkol sa mga magsasaka, nasaktan ako, hindi ko masabing nagkakamali ka dahil sa mga oras na ‘yun wala pa akong napapatunayan, na mahirap lang ako at napakayaman mo, ang mga magsasakang tulad ko, may dignidad, hindi kami gumagawa ng krimen, bagkus pinapakain naman ang sambayanan, sana maintindihan niyong mayayaman ‘yun” wika ni Joshua

               Hindi makasagot si Janine, tila nanlumo sa narinig at agad na humingi ng kapatawaran, “I’m sorry, hindi ko sinasadya”

               “Alam mo ba kung bakit ko sinasabi ang mga bagay na ito?” tanung ni Joshua

               Umiling lamang si Janine at patuloy na nakinig sa sasabihin ng binate.

               “Nung unang araw pa lamang na magkita tayo dahil sa kwintas, na-inlove na ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero pinipigilan ko ‘yun dahil sa itsura mo palang, mukha ka ng mayaman, at hindi nga ako nagkamali doon” wika ni Joshua

               Tili nangiti naman si Janine at sinabing “ganun din ang naramdaman ko ‘nung unang araw na magkita tayo”

               “Natural selection?” sagot ni Joshua sabay tawa

               “Nanloloko ka ba? Ano ba ‘yang natural selection na ‘yan?” tanung ni Janine

               “Gusto mo bang malaman?” wika ni Joshua

               “Syempre, sabihin mo na” sambit ni Janine


ITUTULOY...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN